KINUMPIRMA ng Kapuso actress at TV host na si Shaira Diaz na ngayong 2025 na magaganap ang kasal nila ng kanyang fiancé na si Edgar Allan Guzman.
Nag-propose si EA kay Shaira noong 2021, pero ibinandera lamang nila ang kanilang engagement noong February, 2024 na ikinagulat nga ng kanilang mga tagasuporta at social media followers.
Sey ni Shaira, kumpleto na rin daw ang kanilang wedding entourage, kung saan makakasama nga ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nila ni EA sa showbiz.
“‘Yung kasal po, definitely this year na po ‘yan,” ang pagbabahagi ni Shaira sa guesting niya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Ibinalita rin ng Kapuso star na sa South Korea pa raw nila bibilhin ang gagamitin niyang wedding gown.
“Bibilin ko siya sa Korea, kasi sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila. Mahilig ako sa K-Drama, K-Pop, BTS, so gusto ko lagyan ng something very personal sa’kin,” sey ng TV host.
Sey pa ni Shaira, church wedding ang napili nila ni EA na mangyayari sa Silang, Cavite, “Para po tahimik, away from the noise. My dream wedding, very intimate lang po, close friends.”
Makakasama raw sa entourage sina Arra San Agustin, Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra at Julia Montes, “’Yung mga naka-witness ng love story namin from the very start, nandiyan po sila.”
Very supportive rin daw si EA sa ginagawa nilang wedding preparation kaya hindi siya masyadong nai-stress, “Hinahayaan niya lang ako. Kung may idea ako na gusto kong makita sa wedding namin, pinapakita ko and nagye-yes lang siya.
“Sabi niya nga, ‘yung kasal is for the bride talaga eh, so ibinibigay niya sa ‘kin ‘yun, walang away, walang pressure, walang stress,” sey pa ni Shaira na muling mapapanood sa season 2 ng GMA Prime series na “Lolong: Bayani ng Bayan” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Muling gagampanan si Shaira ang karakter ni Elsie sa “Lolong: Bayani ng Bayan” na magsisimula nang mapanood sa GMA Prime simula bukas, January 20.