Rufa Mae ‘waiting’ na magkaayos sila ng mister: Kaya ko ‘yan! Go, go, go!

Rufa Mae ‘waiting’ na magkaayos sila ng mister: Kaya ko ‘yan! Go, go, go!

PHOTO: Instagram/@rufamaequinto

HANGGA’T walang nagfa-file ng divorce, willing to wait ang komedyana at aktres na si Rufa Mae Quinto na magkaayos sila ng non-showbiz husband na si Trevor Magallanes.

Sa interview ni Rufa Mae kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, inamin ng aktres na may matindi silang pinagdadaanan ng asawa ngayon, pero hindi pa talaga sila hiwalay.

“Bilang asawa, siyempre, inaantay ko lang na magklaro kami, mag-usap pa din kung totoo ba talaga na ‘yan ang nararamdaman niya,” sagot niya kay Tito Boy matapos tanungin kung ano na ba ang estado ngayon ng married couple.

Paliwanag pa ng celebrity mom, “Kasi nga lagi rin akong wala eh, so baka naman pwedeng lambingan na muna, makiusap na pasensya na ‘di ba. I’m here, I’ll be here forever.”

Nang usisain naman ng TV host kung ano ang ikinatatampo ni Trevor.

Ang kwento ni Rufa Mae: “Kasi siyempre, pagod ako…Lagi akong wala, in short.”

Kasunod niyan, nilinaw ni Rufa Mae na wala pang nagfa-file ng divorce.

“‘Yung legalities ng mga file file, walang file ng divorce. Walang nag-file,” sey niya.

Kahit seryoso ang usapan ay nahiritan pa niya ito ng konting biro: “So hindi ako magfa-file kasi ang dami ko nang file sa kaso. Marami nang nag-file, so nag-file na rin ako, so ang daming file! So ayaw ko munang mag-file sa mga divorce divorce.”

“Kasi dito rin naman kami kinasal sa Pinas, so hindi ko rin alam kung ano ang gagawin. Masyadong masakit pa eh,” patuloy niya.

Nabanggit din ni Rufa Mae na isang mabuting ama at asawa si Trevor, ngunit ang ayaw lang nito ay ang ma-chismis o mapag-usapan sa showbiz dahil very private ang kanyang mister.

Nasasaktan nga raw ito ‘nung may nababasang balita na nag-aaway sila sa pera na hindi naman din daw totoo.

Nang tanungin siya ni Tito Boy kung mahal pa niya si Trevor, ang sey ni Rufa Mae: “Oo naman! Mahal ko siya siyempre. Tsaka gusto ko siyempre makumpleto ang pamilya namin.”

Pero dagdag niya, “Ako kasi, kung ayaw na, rerespetuhin ko ‘yun kahit na masakit sa akin eh. Siyempre ‘di ba, bakit ko pa pipilitin ang isang tao kung ‘yun ‘yung nararamdaman niya. Eh hanggang nga na walang nagfa-file, waiting lang.”

“Kumbaga, hindi mo pa tinatapos kasi para rin sa anak namin ‘yun at tsaka wala naman kaming matinding pinag-awayan. Ako, gusto ko pa siya,” pag-amin ng komedyana.

Aniya pa sa huli, “Kaya ko ‘yan! Todo na ‘to! Go, go, go! Hangga’t buhay, kaya.”

Magugunita noong December last year nang kumalat ang breakup rumor sa pagitan married couple matapos maglabasan ang screenshots ng palitan ng mensahe ng dalawa.

Matindi ang umano’y sagutan nina Rufa Mae at Trevor tungkol sa kanilang relasyon, pati na rin sa nag-iisa nilang anak kaya naman ina-assume ng lahat na nagkanya-kanya na sila ng landas at tinapos na ang pagsasama.

Hindi ito ang first time na nabalitang naghiwalay sila dahil kahit noong nagsasama pa sila sa Amerika ay may kumalat na ring chika na break na ang dalawa, ngunit never silang naglabas ng pahayag para itanggi o kumpirmahin ito.

Read more...