Viral sampaguita girl isang scholar, ‘di miyembro ng sindikato

Viral sampaguita girl isang scholar, 'di miyembro ng sindikato

NILINAW ng Mandaluyong City Police na hindi parte ng sindikato ang viral sampaguita girl bagkus isa itong estudyante.

Matatandaang nitong linggo lamang ay nag-viral ang pagpapaalis ng security guard sa batang babae na nakaupo sa hagdanan ng mall at nagbebenta ng sampaguita. Ngunit nauwi sa sakitan at pagkasira ng binibentang bulaklak ang pangyayari.

“Ica-clarify natin na yung bata ay totoong estudyante. In fact, siya ay isang scholar ng isang private institution. Matalinong bata at nagsusumikap lamang na madagdagan yung mga pangangailangan nila sa kanilang eskwela,” saad ni Mandaluyong police chief Col. Mary Grace Madayag sa mga reporters sa isang interview nitong Biyernes, January 17.

Baka Bet Mo: Rosmar Tan nahanap si viral sampaguita girl, binigyan ng tulong

Pagpapatuloy niya, “Hindi totoo na sila ay isang miyembro ng sindikato na nagbebenta at namamalimos within the general areas of NCR (National Capital Region).”

Ayon pa kay Madayag, binisita nila ang viral samapaguita girl pati ang pamilya nito sa Barangay Holy Spirit nitong Huwebes ng gabi kasama ang mga staff mula sa Commission on Human Rights (CHR), Quezon City Police District (QCPD) at iba pang barangay officials.

Natukoy rin ang babae na isa pa lang 18-year old college student na kumukuha ng kursong medical technology sa isang unibersidad sa Maynila.

Nang tanungin naman ng mga reporters tungkol sa suot-suot na uniporme ng bata ay sinabi ni Madayag na ito ay ang dati niyang umiporme.

“Pambahay niya yon, hindi naman niya laging yun ang suot. Nagkataon na on that day, yun ang suot niya dahil pambahay na nga niya yon,” sey ni Madayag.

Nang tanungin naman kung bakit ito napunta sa mall sa Mandaluyong ay dahil isang bus lang ito pauwi sa kanila.

“Ang sabi niya [sampaguita girl], kaya siya dito nagtitinda kasi mas mabilis ang kanyang benta.”

Nilinaw rin ng Mandaluyong police chief na noong December 17, 2024 pa nakunan ang video.

Hindi rin daw aware ang tinaguriang sampaguita girl at security guard na kinukunan na pala sila ng video.

“Initially, na-upload na yan, pero nakiusap sila na tanggalin, tapos in-upload ulit nung vlogger,” saad ng pulisya.

Sa ngayon raw ay wala pang plano ang pamilya kung magsasampa ang dalaga ng kaso lban sa security guard at vlogger lalo na at kaka-demolish lang ng kanilang bahay.

“Wala pa silang talagang plano kung magfi-file ba ng case against sa security guard at doon sa vlogger na nag-upload ng video na yun. Mayroon na siyang lawyer na prinovide ng Commission on Human Rights at siya ang mag-aassist kung ano yung gagawin ng pamilya,”sabi pa ni Madayag.

Read more...