Bianca Gonzalez umalma sa PBB fan: Kailangan talaga murahin mo kami?

Bianca Gonzalez umalma sa PBB fan: Kailangan talaga murahin mo kami?

HINDI napigilan ng “Pinoy Big Brother” main host na si Bianca Gonzalez ang pumalag sa isang netizen na minumura ang buong produksyon ng naturang reality show dahil sa umano’y scripted raw ito.

Ang tinutuloy nito ay ang naging last episode ng “PBB Gen 11 Big 4Ever” kung saan sumalang sina Dylan, Jas, JM, at Fyang para bumunot at magtanong ng mga bagay bagay sa isa’t-isa.

Chika ng mga netizens, scripted raw dahil iba ang kanilang nabunot mula sa clip na kanilang napanood sa nangyari at ang nagkatambal ay sina Dylan-Fyang at Jas-JM na siyang sinakyan pa raw ni Bianca.

“Unang nabunot ni Fyang si JM. Pero bakit naging si D? Scripted ka talaga @PBBabscbn, pa-issue ang mga p*tang inang pibibi na to. Kahit kailan scripted talaga show nyo!! Tadhana? T*ngin* mo saan tadhana na laging bunot ng kabila magkapareho lagi pti [Christmas] party halata.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez nagbabala sa violent bashers ng ‘PBB’ housemates

“Napakainsensitive niyo alam niyo na may nmagitan sa dalawa pero ginagawa niyo pa rin yan. Ulit ulit na issue nakakasawa. Alam niyo na ikakabash ng dalawa, sabagay yan nga pala talaga plano nyo mapunta lahat ng bashing sa dalawa at malinis ang isa,” sey ng netizen.

Agad naman itong sinagot ni Bianca at sinabing hindi nito kailangang nagmura para lang ilabas ang opinyon nito.

“Kailangan talaga murahin mo kami? Insultuhin, just because it does not meet your standard? We get a lot of bashing, I understand, but I put my foot down pag sobra na,” sey ng PBB main host.

Dagdag pa ni Bianca, “Ask Fyang, JM, Jas and Dylan if you want. Nabunot ni Jas yung sarili niyang pangalan in the first round so EVERYONE had to pick names again. The next round, everyone got a different name from theirs. Hindi na kasya sa running time to air the first part so we went straight to the actual q&a.

“We value fans opinions a lot, pero pag minura na kami, mali na yun. Sana next time, share your thoughts na mas makatao. Iba yung pagpapakatotoo sa pagiging makatao. Parehong importante yun.”

 

Read more...