NAGKAHARAP na ang TV host-comedian na si Vic Sotto at ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap sa korte ngayong Biyernes, January 17.
Ito ay kaugnay sa kasong isinapa ng komedyante laban sa direktor dahil sa inilabas nitong teaser ng kanyang pelikula n may titulo noong “The Rapists of Pepsi Paloma”.
Personal na nagtungo sina Vic at Darry sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch (RTC) 205 para sa summary hearing sa isinampang petisyon ni Bossing para sa writ of habeas data na naglalayong tanggalin ang teaser video pati na rin ang iba pang promotional materials ng naturang pelikula dahil sa pagkakabanggit ng kanya “personal information o sensitive personal information”.
Baka Bet Mo: Vic Sotto wala pang maintenance sa edad 70: Good health is a gift
Matatandaang agad na nag-viral ang teaser ng pelikula matapos mabanggit ang pangalang Vic sa mga nang-rape umano kay Pepsi Paloma.
Matapos ng ilang araw na pananahimik ay binasag na ng komedyante ang kanyang katahimikan at tuluyan nang idinaan sa legal na usapin ang isyu.
Unang lumabas si Vic sa korte kasama ang kanyang asawang si Pauleen Luna.
Wala namang inilabas na pahayag ang “Eat Bulaga” host dahil na rin sa gag order na inilabas ng korte.
Samantala, matapos ang dalawang oras ay lumabas na rin ang kampo ni Darryl at naging tikom rin ang bibig nito patungkol sa kasong kinakaharap.
“”Well, I’m okay. I’m still finishing the movie,” sey ng direktor.