Karylle hindi bet ang mga ‘gimik’ sa pangangampanya, may pakiusap sa mga botante

Karylle hindi bet ang mga ‘gimik’ sa pangangampanya, may pakiusap sa mga botante

PHOTO: Instagram/@anakarylle

DAPAT magdebate, hindi puro jingle.

‘Yan ang tila naging apela ng TV host-singer na si Karylle ngayong papalapit na ang midterm elections.

Sa panayam ng radio show na “Good Times,” pinuna ni Karylle ang iba’t-ibang gimik pagdating sa pangangampanya.

Ayon sa kanya, imbes na bigyang-pansin ang jingles at TikTok dances ng mga tatakbo sa eleksyon ay dapat mag-focus sa mga debate at plataporma na tumutugon sa mga isyu ng bansa.

“That’s why we have to demand it as voters, as people… It is our job as voters to be more noisy about… right namin na mapanood kayo,” sey ni Karylle.

Baka Bet Mo: Ion Perez atras na sa pagtakbong konsehal sa Tarlac: Paumanhin po

Giit niya, “Gusto namin marinig more than your jingle, more than your TikTok dance, whatever. What are you about? We want to know. We have to demand this. This is our right.”

Dagdag pa ng TV host, “We have to reclaim our voice as the voting public, especially women. The right to suffrage — we didn’t really have that all this time, but we have it now. So we have to just be loud about it. And we have to be comfortable about being loud.”

Nagpaalala rin siya na dapat pag-isipan mabuti kung sino ang nais ihalal sa mga posisyon ng kapangyarihan.

“Let’s educate the voters and make sure that we are all educated. You, as a voter, should, you know, use your own brain… Even with religion, you have to discern for yourself. Because you have to think for yourself,” sambit ng singer-host.

Sa darating na May 12, tinatayang 68 million na mga Pilipinong botante ang lalahok sa 2025 midterm elections. 

Maghahalal sila ng mahigit 18,000 opisyal: 12 senador, 254 district representatives, 63 party-list representatives at 17,942 governors, provincial board members, mayors, at councilors. 

Sakop din ng halalan ang mga posisyong parlyamentaryo sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

Read more...