Regine ready na uling umakting; mas matindi ang paghahanda sa ‘RESET’

Regine ready na uling umakting; mas matindi ang paghahanda sa 'RESET'

Regine Velasquez at Ogie Alcasid

NGAYONG 2025, handang-handa na ang  nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na balikan ang kanyang nagpahingang acting career.

Halos limang taon ding hindi umarte si Ate Regs sa telebisyon at pelikula and this year, plano niyang subukan uli ang gumawa ng teleserye at pelikula.

Natanong ng BANDERA si Regine tungkol dito sa naganap na presscon para sa kanyang Valentine concert series na “RESET” kahapon, January 15, na ginanap sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati.

Sa Samsung Performing Arts Theater din gaganapin ang “RESET” sa mga petsany January 14, 15, 21, at 22.

Pahayag ni Regine about returning to acting, “Mas open ako ngayon. Parang iniisip ko, if there is an offer, if the role is right, if the role is good, I will surely think about it.

Baka Bet Mo: Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!

“Parang ang tagal na rin, parang five years na rin akong hindi umaarte, although maarte lang ako talaga ‘ko!” ang natawang chika ni Ate Regs.

Ipinaalala namin sa kanya ang balak noon ng ABS-CBN na bigyan sila ng sitcom ng kanyang asawang si Ogie Alcasid na magiging comeback sana niya sa acting.


Sabi ng Songbird, “Kasi nga nawalan kami ng franchise, ano ang gagawin? Hopefully, kung magkaroon ulit ng franchise .

“But as far as acting is concerned, again, if there’s a role, right role, time din, yes, I will consider,” sabi pa ni Regine.

Actually, nakipag-meeting na si Regine sa Viva Entertainment para sa pagbabalik niya sa pag-arte, “I met with Boss Vic. Nandoon pa lang tayo sa ganu’n. Meeting pa lang.

“I am waiting now for the next step, which is giving me the actual script. Gan’un iyon, they will give you stuff first, then you will choose one you are comfortable to do,” pahayag pa ng singer-actress at TV host.

Pero hangga’t maaari raw ay ayaw na muna niyang gumawa ng heavy drama, mas type niya ang comedy at light drama.

“Since I haven’t been acting, I can’t tell yet if I am ready to do something else and experiment. I have to get used to the grind first. That is a whole other experience, eh.

“I have to know my reaction first, if gusto ko mag-super drama or horror. I will bade it on how I will experience everything first,” sey pa ng Songbird.

Samantala, natanong din namin si Ate Regs kung anu-ano ang ginagawa niyang paghahanda para sa apat na gabing pagpe-perform niya sa “RESET.”

Bukod sa pag-aaral ng mga kanta, kabilang din daw sa preparation niya ang pagpapakundisyon ng kanyang katawan, “Ngayon na medyo majonders (matanda) na ako, siyempre kailangan ng mas may preparations, kasi iba na yung katawan natin.

“Tsaka nag-iba na rin ang boses ko so, di ba nga, nu’ng nag-concert ako ng ‘Regine Rocks’, ipino-post ng asawa ko na naglalakad kami (may mga photos na nakasimangot siya)?

“Kasi talagang hindi ako masaya. Ha-hahaha! Pero ginagawa ko pa rin. So we walk together, he encourages me to exercise every day, to walk every day in preparation for the concert.

“Kasi dapat hindi ako hinihingal. Kahit hindi ako nagsasayaw, nakakahingal pa rin. Kapag kumakanta ka, ang ginagamit mo talaga mostly yung diaphragm mo up to the last song, so it has to be prepared. Kailangan, hindi ako hinihingal.

“Right now, yun ang preparations na ginagawa ko. I am starting to learn my songs already,” pagbabahagi pa ni Regine.

Ipinaliwanag din niya ang magiging concept sa apat na gabi ng “RESET”, “Para hindi kami malito, para hindi maging smorgasbord, ginawa namin na may covers, may originals.

“So, yung February 14, which is Valentine’s Day, the first night of the concert, all original songs. Yun ang part 1. And then yung part 2, February 15, it will be the covers. So, yun ang mga R2K, mga retro,” sey pa ni Regine.

Pagpapatuloy pa ng wifey ni Ogie, “It is about me singing the old songs and resetting it now. A lot of these songs I sang 20 years ago. I am excited to know how I would interpret those songs now.

“Siyempre iba na interpretation ko now that I am a mother, asawa na ako… I wanted to give it new life, new arragments,” aniya pa.

Available na ang ticket ng “RESET” sa TicketWorld and this is co-presented ng MWell by Metro Pacific.

Read more...