WALANG nangahas na magtanong kay Bossing Vic Sotto tungkol sa isinampa niyang cyberlibel laban kay Darryl Yap sa naganap na presscon niya ngayong araw, January 14.
Ito’y dahil na rin sa gag order na inisyu ng Marikina Regional Trial Court para sa kanilang kampo pati na rin kay Direk Darryl na nag-uutos na itigil muna ang pagsasalita hinggil sa kanilang kaso.
Humarap ang TV and movie icon sa ilang members ng media para sa bago niyang endorsement, ang Santé Barley, kung saan game na game niyang sinagot ang mga tanong ng showbiz press about his personal life and career.
Baka Bet Mo: Darryl Yap humiling sa korte na bigyan ng gag order kampo ni Vic Sotto
Hindi naitanong kay Bossing ang pagdedemanda niya ng 19 counts of cyberlibel laban kay Darryl Yap kaugnay ng lumabas na teaser video para sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Pero kinumusta naman siya ng media sa gitna ng kinakaharap na kontrobersya, “I’m good, I’m relaxed, just going with the flow. Basta ako naman eh, I trust in God.”
Sunod na tanong sa TV host-comedian, mukhang feeling “unbothered” naman siya sa mga nangyayari ngayon sa kanyang personal life.
“‘Cause I have a clean conscience. Malinis ang pakiramdam ko. Wala namang dapat ika-worry. So, mai-stress ka lang kapag inisip mo, eh,” tugon ni Bossing.
Sinagot din niya ang question kung paano niya hinaharap ngayon ang kanyang sitwasyon, “Eh, di daanan mo lang nang daanan. Isa lang naman ang pupuntahan natin.
“Basta diretso ang daan. ‘Yun ang importante. Bawal ‘yung mga paliku-liko,” pahayag ni Bossing.
Nagpasalamat naman ang komedyante sa lahat ng taong nagpahatid at nagparamdam ng suporta sa kanya, kabilang na ang kanyang pamilya lalo na sina Joey de Leon at Tito Sotto.
“Of course, they are all out support (for me). Kahit anong mangyari sama-sama kami,” aniya.
May nagtanong naman kay Bossing kung pwede pang maayos ang kaso sa labas ng korte, “I cannot talk about that, sorry.”