Anak ni Roi Vinzon na si Antonio biktima ng pambu-bully dahil sa katabaan

Anak ni Roi Vinzon na si Antonio biktima ng pambu-bully dahil sa katabaan

Antonio Vinzon at Roi Vinzon

BIKTIMA rin ng pambu-bully ang baguhang Kapuso actor na si Antonio Vinzon, ang anak ng premyadong veteran actor na si Roi Vinzon.

Ito’y dahil daw sa sobrang katabaan niya noong kanyang kabataan at hindi raw biro ang naranasan niyang panlalait at pang-ookray hanggang sa maging teenager siya.

“Noong bata po ako, sobrang tabain talaga ako dati. And grabe po ‘yung discrimination, I get bullied everyday for a couple of years,” ang rebelasyon ni Antonio sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes.

Grabe raw talaga ang masasakit na  salita na ibinabato sa kanya noon pero hindi raw siya pumapatol at lumalaban. Ito rin daw ang naging sanhi ng pagkawala ng kanyang confidence.

Baka Bet Mo: Kim pinalayas ng kapatid sa bahay: Sabi niya, ‘Bahala ka na, malaki ka na!’ Parang eksena sa teleserye!

“‘Baboy,’ ‘pooka fish,’ ‘bumalik ka sa nanay mo.’ Lagi po akong binu-bully kaya nawawalan po ako ng confidence,” sey pa ng aktor na napapanood ngayon sa bagong Kapuso series na “Mga Batang Riles.”

Pag-amin pa ng anak ni Roi Vinzon at ng dating band vocalist na si Jeaney David, “Sometimes I want to quit na sa school dahil sa bullying. Sinusuntok ako everyday ng mga hindi ko kilala.”


Inilihim daw ni Antonio sa kanyang mga magulang ang nangyayari sa kanya at ngayon lang niya ito naikuwento sa publiko, “Naging quiet po ako.”

Kasunod nito, nagdesisyon ang binata na magbawas ng timbang at magpapayat, “Nagulat nga po sila (mga parents) bakit ako pumayat agad for two months lang.

“Hindi po ako kumain, nag-diet po talaga ako. Hindi ako kumakain ng pagkain, inom ng tubig, ‘yun lang ang ginagawa ko sa buong buhay ko for two months. Na-shock po sila sa transformation ko na pumayat,” kuwento ng aktor.

Talagang kinarir ni Antonio ang pagda-diet kaya mula 20 hanggang 40 pounds ang nabawas sa kanyang timbang, “Ngayon I’m blessed na nandito ako.”

Pero pinaalalahanan din siya ni Tito Boy sa hindi niya pagkain, “Huwag hong gagayahin, kasi kailangan ‘yan may guidance. Medically may implication ‘yun eh.”

Napapanood ang “Mga Batang Riles” sa GMA Prime, 8 p.m..

Read more...