AFTER ng matagumpay na teleserye niyang “Lavender Fields” sa ABS-CBN, bibida naman si Jolina Magdangal sa pelikulang “Ex Ex Lovers” kasama si Marvin Agustin.
Ito ang magsisilbing reunion project nina Jolens at Marvin makalipas ang maraming taon na siguradong ikatutuwa ng kanilang mga loyal supporters na abangers na sa nalalapit na showing nito sa mga sinehan.
Sa pakikipagchikahan ng BANDERA kay Jolina sa nakaraang finale mediacon ng “Lavender Fields”, sinabi ng aktres at TV host na ibang-iba na ngayon si Marvin kumpara noong kabataan nila.
“Masayang-masaya ako, kasi ngayon ko lang naramdaman yung ganitong level din, o connection sa isang tao, na bukod sa kapamilya mo siya, na katrabaho mo siya noong bata kayo, na kaibigan mo siya, parang beyond soulmate mo siya, lalo na kapag nagkukuwentuhan kami.
Baka Bet Mo: Pamilya ni Janine botong-boto kay Jericho, lovelife ‘best gift of 2024’
“Napapaisip na lang ako, na dati parang ang hirap kausap ni Marvin, pero ngayon parang ang petty lang pala noong mga yun. Nag-mature na rin talaga kami,” pahayag ni Jolens.
Patuloy pa niya, “Pero, sa movie talaga, gusto naming ipakita sa mga tao ang nostalgia, na makikita niyo ang mga character namin noon, pero mature na sila ngayon. Kung paano? Basta comedy pa rin ito, pero maluluha kayo,” sey pa ni Jolina about their movie.
Sa tanong kung may kissing scene at love scene na ba sila this time ni Marvin sa kanilang reunion movie, “Ay naku, tingnan niyo na lang dito. Basta, panoorin niyo! Ha-hahaha!”
Samantala, super thankful si Jolina na naging bahagi siya ng “Lavender Fields” kasama sina Janine Gutierrez, Jericho Rosales at Jodi Sta. Maria.
Nagmarka si Jolens sa serye bilang si Lily Atienza, “Mami-miss ko talaga sila yung samahan kasi antagal kong hindi nag soap. Yung mga nasa taping, pag walang ginagawa nagkwekwentuhan.
“I can say na parang mas nakikilala mo yung mg tao kapag nakakakwentuhan mo,” aniya pa.
“Thankful ako sa Dreamscape na naconsider ako for this dahil may mga bagong direktor ako na naka-work,” aniya pa.
“Nakita ko na talagang mas pwede limited series, eight episodes nalang or yung iba sabihin natin 100 episodes. Pero yung weeks ng taping namin nine or 10 weeks lang. Trabaho kung trabaho tapos pahinga na dati parang sobrang tagal talaga,” aniya pa.
“Ngayon, mas pwede mo iplano yung mga days mo, mga months mo lalo na kung may anak. Natuwa ako sa ganitong environment,” sabi pa ni Jolens.