PINAKILIG na naman ng celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang kanilang fans and supporters dahil sa sweet birthday message ng aktres para sa kanyang asawa.
Nag-celebrate si Oyo ng kanyang 41st birthday kahapon, January 12 at isang mahaba at madamdaming post ang ibinahagi ng pinakamamahal niyang wifey para sa kanyang kaarawan.
Kasabay din nilang ipinagdiriwang ang kanilang wedding anniversary kaya naman double celebration na naman ang naganap.
Nag-share si Kristine ng litrato ni Oyo sa Instagram kalakip ang kanyang super sweet message na kinakiligan, pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens, kabilang na ang mga kaibigan nila sa showbiz.
Baka Bet Mo: Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV
“Thank you Lord for Oyo… for his life and dedication to pursue you in all his ways. Thank you for loving me so much that you have blessed me with a God-fearing husband, exactly what I need in this world,” ang simulang pagbati ni Kristine sa asawa.
Pagpapatuloy niya, “My dear Oyo, doing our day to day life together is a wonderful gift, not everyone has this kind of privilege.. may it be cleaning the house, you cooking our food, driving separate cars to get sticker renewal, doing the groceries, helping the kids with everything they need, encouraging each other to work out kahit parehong walang drive dahil sa mga pagsubok ng buhay.”
Pag-alala pa ng aktres at celebrity mom sa mahigit isang dekada nilang pagsasama bilang married couple, “I don’t recall a time not having you by my side.. kasi ‘literal’ hindi tayo naghihiwalay 24/7 … and I wouldn’t want it any other way.”
Kasunod nito, nabanggit nga ni Kristine ang 14th wedding anniversary nila ni Oyo, “In our 14 years of marriage, I still enjoy your company, still laugh at your unintentional untimely humor.
“I still get entertained with your kasungitan lalo na pag napupuno ko yung hard drive natin dahil hindi ako nagbubura ng photos at pag may hindi tama sa araw mo at sa kapaligiran.
“At yung mga naiisip mong out of this world na pet name sa mga anak natin at sa kung ano ano pa.. that usually happens pag bored ang brain mo.
“You have a unique vocabulary and a charming way of expressing things — I’ve grown to love everything about you…buti nalang nandyan si God,” pagbabahagi pa ni Tin.
Looking forward din ang aktres sa mga mangyayari sa kanilang pagsasama ni Oyo sa mga darating pang mga taon.
“I am so blessed and always grateful to have you in my life. May God grant us with supernatural wisdom, strength, faith, patience, super healthy body with optimal level of energy, metabolism, balanced hormones and everything else.
“May He grant us with a long quality life with our children and loved ones. I LOVE YOU! HAPPY BIRTHDAY MY LOVE! THANK YOU LORD FOR THE 14 YEARS AND FOR A LIFETIME,” ang buong message ni Kristine kay Oyo.