Andi kay Philmar: Ang probinsyano mas old school, mas feel mong special

Andi kay Philmar: Ang probinsyano mas old school, mas feel mong special

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kasama ang mga ana na sina Lilo at Koa Alipayo

LAUGH kami nang laugh sa naging chikahan nina Andi Eigenmann at Melai Cantiveros sa Kapamilya online show na “Kuan On One.”

Kapag talagang si Melai ang host at nag-interview sa mga kapwa niya celebrities ay talagang tatawa ka lang nang tatawa dahil puro pampa-good vibes lang ang mapapakinggan at mapapanood mo.

Tulad ng lang ng naging panayam niya sa hindi na aktibong aktres na si Andi Eigenmann na naka-based na ngayon sa isla ng Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

Isa sa mga napag-usapan nila sa “Kuan On One” ay ang tungkol sa pagsisimula ng love story nina Andi at Philmar na enjoy na enjoy sa kanilang family life sa Siargao.

Kuwento ni Andi, noon pa niya hilig ang pagse-surfing. Talagang nagpupunta siya sa La Union kasama ang mga kaibigan para lang mag-surf hanggang sa mapadpad nga siya sa Siargao.

Baka Bet Mo: Andi-Philmar wedding tuloy: Magiging masaya si Nanay pag nagpakasal kami

At doon nga niya nakilala si Philmar na isang champion surfer at trainer- instructor. Siya ang unang nag-follow sa Instagram ni Philmar hanggang sa magsimula na silang mag-chat sa isa’t isa.


Kasunod nito, naging magkaibigan na sina Andi at Philmar hanggang sa mauwi na sa pagde-date at maging magdyowa. Sey ng aktres, feel na feel niya ang kabaitan at sinseridad ni Philmar.

“Ang mga probinsyano, mas simple, mas old school. At mas gusto ko ng ganu’n, mas mapi-feel mo na special,” sey ni Andi.

Tawa nang tawa ang celebrity mom nang balikan ang ginawang panliligaw sa kanya ni Philmar. Talagang umaakyat pa ito sa matataas na puno para lang makakuha at mabigyan siya ng favorite niyang fresh buko.

Napakasimple rin daw ng kanilang pagde-date, tulad ng pagse-surf sa mga secret spots sa Siargao, pagpunta at paglangoy sa mga hidden beaches at rock formations sa isla. Pero sey ni Andi, yun daw ang ilan sa best days of her life sa Siargao

Kuwento pa ni Andi, kilala raw ni Philmar ang mga yumao niyang magulang, pero hindi nito alam na anak siya sina Mark Gil at Jaclyn Jose.

“’Yung tingin niya sa akin ay isang normal na tao lang. So, kung sino ako, ganu’n lang din siya. Hindi ko kailangang mag-pretend.

“Binigyan niya ako ng chance na ipakita sa kanya kung sino talaga ako,” sey pa ni Andi na unang nakilala bilang magaling na akttes sa mga Kapamilya series na “Agua Bendita” at “Galema: Anak ni Zuma.”

Sa tanong ni Melai kung anu-ano ang mga qualities na talagang nagustuhan niya sa kanyang partner, “Ang iya kasing-kasing (yung puso niya).”

Ilang taon na ring naninirahan si Andi sa Siargao kasama si Philmar at ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa, pati na rin ang panganay niyang si Ellie (anak kay Jake Ejercito), at mukhang wala na talaga siyang balak iwan ang kanyang island life.

Pero sa isang panayam, sinabi ni Andi na posible pa rin naman siyang bumalik sa mundo ng showbiz.

“Hindi ko sinasabing ayoko mag-artista ulit or umarte ulit, hindi na ako babalik. Naghahanap pa rin siguro ako ng tamang pagkakataon para doon,” pahayag ni Andi.

Read more...