RAYVER, MATTEO kinawawa sa billing ng isang indie film


May issue pala sina Joseph Marco, Rayver Cruz at Matteo Guidicelli. Napansin kasi ni katotong Mell Navarro na nauna sa billing si Marco kaysa kina Rayver at Matteo after watching the indie film na pinagsamahan nila.

Kinukuwestyon ni Mell kung bakit ahead si Marco kay Rayver at Matteo sa billing when in terms of achievement o seniority ay higit naming lamang na lamang si Rayver at ang car racer-turned-actor.

Isa pa, mas may napatunayan na silang dalawa kaysa sa alaga ni Keren Pascual, ‘no! Oo nga naman. Hindi namin alam kung bakit nga ba nauna sa billing si Marco pero we can only make hula na baka siya ang bida sa indie film kaya naman siya ang mas binigyan ng mas malaking billing.

Or it could be na minor lang ang role na napunta kina Rayver at Matteo. Pero hindi, eh, because according to Mell ay magkasinglaki lang ang role nilang tatlo.

Teka, bakit nga ba pumayag ang manager ni Rayver na si Albert Chua sa billing ng kanyang alaga? Wala ba siyang nagawa? Hindi ba niya ipinaglaban ang kanyang ward? O, hindi niya pinakialaman dahil busy siya sa kanyang office work?

Anyway, there should really be no issue here because at the end of the day ay iisa lang naman ang tatlo sa paningin ng madlang pipol – STARLETS!

( Photo credit to Google )

Read more...