ZANJOE idol na idol si BOSSING: Kaya gusto ko ring maging Lastikman!


Tiyak na matutuwa ang mga beki sa dream role ni Zanjoe Marudo. Dati pa kasi gustung-gustong gumanap ni Zanjoe ng superhero, and guess what kung sino ang gusto niyang i-remake kapag nabigyan ng chance – si Lastikman!

Inamin ng boyfriend ni Bea Alonzo, na idol na idol niya sina Comedy King Dolphy at Bossing Vic Sotto pagdating sa pagpapatawa, sa katunayan, type niyang sundan ang mga yapak ng mga ito pagdating sa pagko-comedy.

“Pagdating sa comedy ‘yun ‘yung mga talagang kahit panoorin ko ng paulit ulit ‘yung mga ginagawa nila, matatawa pa rin ako,” sey ng aktor sa interview ng ABS-CBN.

At sana nga raw ay magampanan din niya ang favorite Pinoy superhero niya, si Lastikman na ilang beses na ngang ginawa ni Bossing, “Gusto ko ring maging superhero, ‘yung ganu’ng klaseng role na hindi na ako naghe-hesitate kung kaya ko ba o hindi, kumbaga gusto ko mangyari siya, gusto ko magkaroon ako ng ganu’ng project kasi nga confident ako na magagawa ko siya.

“Dream ko ‘yung Lastikman talaga Kasi hindi siya ganu’n kaseryoso. Ako bilang tao mukha lang akong seryoso. ‘Yung kumikilos Lastikman di ba charming siya, nakakatawa, mahaba pa ‘yung kamay?

Kaya nu’ng ginawa ni Vic Sotto ‘yung pelikulang ‘yun, ang ganda ng kinalabasan kasi nga napaka-charming nu’ng superhero na ‘yun kahit hindi naman siya macho,” pahayag pa ni Zanjoe.

( Photo credit to Google )

Read more...