Darryl Yap ginawang ‘Pepsi Paloma’ ang title ng pelikula; official poster out na

Darryl Yap ginawang 'Pepsi Paloma' ang title ng pelikula; official poster out na

WALANG makakapigil kay Darryl Yap sa pagpapalabas ng kanyang kontrobersyal na pelikula tungkol sa buhay ng yumaong sexy star noong dekada 80 na si Pepsi Paloma.

Pagkatapos niyang hilingin sa korte na isyuhan ng gag order ang kampo ni Vic Sotto para pagbawalan sa pagsasalita  tungkol sa 19 counts of cyberlibel na isinampa laban sa kanya, muling nag-post ang direktor about his latest film “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Ayon sa abogado ni Darryl Yap na si Atty. Raymond Fortun, naghain na sila sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ng petisyon para bigyan ng gag order si Bossing Vic hinggil sa kanilang kaso.

Sabi ng abogado, magbibigay ang kanyang kliyente ng “verified return” tungkol sa kanyang pelikula na hindi pa naipalalabas, kaya naman hinihiling nila na pagbawalan ang kampo ni Vic “from disclosing the contents of the verified return to the public”.

Baka Bet Mo: Darryl Yap humiling sa korte na bigyan ng gag order kampo ni Vic Sotto

“Further considering that the verified return shall involve an unreleased film by a prominent director, any disclosure of the verified return would not only violate the Respondent’s freedom of expression, but it shall also cause grave and irreparable damage to the Respondent’s artistic license and outcome of the film,” ang nakasaad sa kanilang mosyon.

Ngayong araw sa kanyang Facebook account, nag-post si Direk Darryl ng bagong development sa kanyang super kontrobersyal na pelikula.

Kalakip ang official poster ng biopic ni Pepsi Paloma, ipinaaalam din ni Direk Darryl na dalawa ang ilalabas nilang title para sa kanyang pelikula na hindi pa man naipalalabas ay gumawa na ng samu’t saring kontrobersya.

Narito ang nakasaad sa FB post ng matapang at palabang direktor:

“Ang Balita
“Ang Intriga
“Ang Kontrobersya
“Ang Hubad na Katotohanan

“The Official Poster of #TROPP… #TROPP2025

“International Title | The Rapists of #PepsiPaloma

“Philippine Cinema Title | Pepsi Paloma.”

Narito naman ang mga reaksyon ng netizens sa comments section ng post ni Darryl Yap.

“Direk susuportahan ka naming mga Dabarkads kahit anong mangyari.”

“I totally agree na maipalabas Ang movie ni direk Darryl dahil naniniwla Ako na totoong nirape si Pepsi paloma nung tatlong mga akusado. And curious din Ako Malaman kung ano Ang magiging pasabog ng kwento ng movie. I just hope na mapanuod ito ng buong pilipinas.”

“Best movie in the history of the Philippines. The Rapists of Pepsi Paloma.”

“Kaya dapat wag harangin ng grupo  ni boss Vic ang karaparatan naming  manonood ang laman at sino mga rapist  ni Pepsi Paloma na kinasuhan.”

“Mas malaki pa yung sinampang kaso ni vic sotto kesa sa kikitain ng movie. hustisya pls panoorin niyo to parang awa niyo naaaaa, sabayan niyo ingay nung direktor.”

“ana pati rin si Deniece Cornejo gawan mo rin ng movie,para tapatan ng noontime show hosts.”

“Ang katotohanan na base lamang sa sarili mong perpspektibo. Kung ipipilit mong katotohanan iyan, ay aba..mas maalam ka pa sa mga taong involved noong mga panahong iyon. Yabang at taas ng tingin sa sarili ang tawag jan.”

“Pangit lng tlga un teaser, at tama lng na mademanda si Daryl. Nasobrahan sa tapang.”

“Nalalapit na… Nalalapit ka na… Ewan ko kung patawarin ka pa sa ginawa mo dahil imbes na manahimik sa kaso. Lalo mo sila ginagalit at binabastos pa. Hindi ito normal na kilos ng isang tao. Malaki na ginastos mo sa pelikula pero di pa siguradong kikita ngayon tapos Fortun pa nakuha mo Abogado. Sino kaya nasa likod mo? Bakit kaya???”

Read more...