Mary Jane Veloso nag-birthday sa women’s correctional

Mary Jane Veloso nag-birthday sa women's correctional

SINALUBONG ni Mary Jane Velodo ang kanyang ika-40 kaarawan ngayong Biyernes, Enero 10, 2025, sa women’s correctional matapos ang kaniyang pagbabalik bansa.

Kasabay nito ay ang paghiling ng kanyang mga tagasuporta napalayain siya sa pagkakakulong.

Matatandaang nitong December 2024 nang makabalik si Mary Jane sa Pilipinas matapos ang halos 14 taon na pagkakakulong sa Indonesia dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Bagamat nasentensyahan ng bitay ay hindi ito natuloy dahil sa pakikipag-coordinate ng administrasyon noon ng yumaong dating Presidente Noynoy Aquino.

Baka Bet Mo: Mga anak ni Mary Jane Veloso nakatanggap ng scholarship

Muling tinanong ni National Union of People’s Lawyers Chairperson Edre Olalia kung kailan palalayain si Mary Jane.

“On Mary Jane Veloso’s 40th birthday, we ask, ‘What are you waiting for, Mr. President?” tanong ni ya.

Maging ang former Gabriela representative na si Liza Maza ay nanawagan na sana’y kasabay ng kaarawan niya ay ang regalo ng kanyang kalayaan.

“Regalo ng taumbayan kay Mary Jane sa kanyang kaarawan ang lalong malakas na panawagan at pagkakaisa para sa kanyang paglaya,” sey ni Liza.

Present naman sa women’s correctional ang pamilya ni Mary Jane upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Read more...