Bela Padilla maraming pasabog sa 2024; pak na pak ang Korean glow

Bela Padilla maraming pasabog sa 2024; pak na pak ang Korean glow

Bella Padilla

NA-EXCITE nang bonggang-bongga ang mga fans and supporters ni Bela Padilla sa good news na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

Nag-share ang aktres, direktor, scriptwriter at TV host ng kanyang litrato sa Instagram kung saan ibinalita niyang marami siyang mga naka-line up na projects ngayong Bagong Taon.

Ayon kay Bela, ngayong 2025 ay taon ng paggawa niya ng mga pelikula at iba pang acting projects na nais niyang mapanood nang personal sa mga sinehan.

May nabanggit din siya tungkol sa paggamit ng mga kanta sa kanyang mga pelikula na nais niyang ibirit kapag nasa loob siya ng sasakyan at bumibiyahe.

Baka Bet Mo: Bela Padilla nag-rant sa ugali ng mga Pinoy sa airport, netizens nag-react

“Back to the drawing board. 2025 is a year of completion and 9 has always been my favorite number.

“This year will be about creating films and projects that I would personally love to see on the big screen with songs that I want to belt out in the car when I’m driving on a Sunday.

“This year will be like nothing we’ve ever seen,” ang buong caption ng dalaga sa kanyang IG photo.

Mukhang ang isa sa tinutukoy na pelikula ni Bela ay ang romance-horror na “Friday the 14th” mula sa Rein Entertainment na kukunan pa raw sa Busan, South Korea. Siya ang bida at direktor nito.

Sa isa pa niyang hiwalay na Instagram post, ipinakita naman ni Bela ang bagong script na ginagawa niya para sa isa niyang proyekto.

Ang nakasulat sa ibinahagi niyang photo ng kanyang script ay, “Love Hate Relationship Written  by Bela Padilla.”

“Starting the year with a new script. breaking my writers block of two years with something special that I’m about to create with friends,” ang mensahe ng aktres.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizen sa naturang post ni Bela.

“Bela ‘Mananakit pa din sa 2025’ Padilla.”

“Hi Bela. Happy New Year! excited fr ur new project. pwede ko ba itanong kung anong software ang gamit mo s pagsusulat ng script? Thank u.”

“One day, I’ll be a professional scriptwriter, too. Manifesting it! You’ve been an inspiration Miss Bela. I’ve come up with stories about romance, thrillers and sorts that I envisioned you in it. You inspire me, and every time I see you I easily get the groove of writing. God bless you, and sana paiyakin mo ulit kami. Ang sarap umiyak dahil alam mo tagos sa puso.”

“Sana Kung gaano kasakit Ang Meet me st. Gallen, dapat ganyan din.. saktan mo pa kami bella.”

“Will it be with friends Kim Chiu and Angelica Panganiban?”

Samantala, maganda talaga ang pasok ng 2025 kay Bela dahil sa dumarami rin ang kanyang endorsements.

Tulad na lang ng pagdating sa Pilipinas ng Supercharged Serums ng iWhite Korea na ineendorso ni Bela. Swak para sa kutis ng mga Pinoy ang naturang brand dahil sa Korean formulations nito.

Kaya naman abot kamay na ang Korean glow ni Bela para sa lahat na may apat na variants. Safe at effective ito sa lahat ng skin types at madali lang itong gamitin.

Sa nakaraang launch ng naturang brand ay isinabay din ang Supercharged Personality Search, isang campaign kung saan ipinagdiriwang at ibinabandera ang individuality at humihikayat sa lahat na yakapin ang kanilang unique glow, gaya ni Bela Padilla.

Hindi lang ito basta tungkol sa skincare – ito rin ay tungkol sa confidence, self-expression, at para hanapin kung ano ang magpapa-shine sa isang tao.

Ito ang adbokasiya ng iWhite Korea, ang dalhin ang pinakamahusay na Korean skincare sa mga Pilipino.

Read more...