Vic Sotto: Ako’y laban sa mga iresponsableng tao lalo sa social media

Vic Sotto: Ako’y laban sa mga iresponsableng tao lalo sa social media

NAGSAMPA ng 19 counts ng Cyberlibel ang TV host/actor/producer na si Vic Sotto kahapon ng umaga sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 laban sa direktor na si Darryl Yap.

Ito ay may kinalaman sa pagbanggit ng pangalan ni Bossing sa teaser ng upcoming movie ni Rhed Bustamante na “The Rapists of Pepsi Paloma” na pinost ni direk Darryl sa kanyang Facebook account nitong Enero 1 sa ganap na 5:01pm.

Base sa panayam kay Ginoong Vic Sotto ng media sa labas ng building pagkatapos niyang manumpa kay Presiding Judge Liezel A. Aquiatan.

“Kami po ay nag-file ng cyberlibel case.

“Marami po ang nagtatanong kung ano ang reaction ko since lumabas itong issue na ito. Ako’y nanahimik, wala naman akong sinasagot, sa mga taong nagtatanong, sa aking mga kaibigan, pamilya, a lot of people have been asking me, ‘Ano reaction mo?’

Baka Bet Mo: Vic Sotto, Pauleen Luna pinagbabantaan ang buhay, pati si Tali dinamay

“Ito na po yun. Ito na po reaction ko (nag-file ng kaso). Sabi ko nga walang personalan ito, I just trust in our justice system. Ako’y laban sa mga iresponsableng tao lalo na social media,” bungad ni Vic.

May nagtanong kung nagulat ang TV host/actor dahil unang araw ng taong 2025 ay ito agad ang nabungaran sa socmed, ang teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma.

“Hindi naman dahil expected ko na dahil last year pa ito pino-=promote. Narinig ko, nabalitaan ko (na),” sambit ni bossing Vic.

Hindi sinagot ng aktor kung ano ang reaksyon niya nang marinig ang pangalan niya sa teaser ng pelikulang idinirek ni Darryl Yap.

“Alam n’yo ‘yang mga tanong ninyo ay masasagot ‘yan ng aking lawyer na si Atty (Buko) Dela Cruz,” nakangiting sagot ni bossing Vic.

Ano naman ang naging reaksyon ng asawang si Pauleen Luna.

“E, siyempre full support ang aking wife, my children, my friends, and I think karamihan ng mga kababayan natin, e, kasama ko saa labang ito,”saad ng aktor/TV host.

Itinuro ulit ni bossing Vic ang abogado niya tungkol sa tanong kung ano ang gagawin dahil tiyak na mababasa ito sa online forever.

Ang ganda ng mood ni bossing Vic habang kausap siya ng media dahil nakatawa pa siya at “I’m okay” ang sagot niya nu’ng kumustahin siya ng mga ito.

May ideya kaya ang aktor kung sino ang nasa likod ng isyung ito.

“Meron kaming ano (duda), pero hangga’t hindi napapatunayan,” say pa.

Sa tingin din ni bossing Vic ay, “this is non political issue for me, ewan ko sa ibang tao” ang sagot niya kung may kinalaman ito sa politika.

Nabanggit ang politika dahil nga kakandidato muli sa pagka-Mayor ng Pasig City ang anak nil ani Ms Coney Reyes na si Vico Sotto at kumakandidatong senador ang kuya nitong si Tito Sen, Tito Sotto at anak nitong si Gian Sotto bilang Vice Mayor ng Quezon City.

Muling ipinagdiinan ni bossing Vic na full support ang buong pamilya niya, mga kaibigan nang mapanood ang kontrobersyal na teaser ng pelikula ni direk Darryl Yap.

Sa tanong kung ipapatigil nito ang pagpapalabas ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.

“Wala tayong maiko-comment diyan, si atty dela Cruz ang sasagot,” sagot ng aktor/TV host.

May message ba si bossing Vic kay direk Darryl Yap, “wala naman, happy new year!”

“Kanya-kanyang demokrasya tayo, kanya-kanyang paniwala ‘yan, basta ako naniniwala sa Sistema ng ating hustisya, “sagot ni Vic sa tanong nab aka naniwala ang mga nakapanood ng teaser sa ginawa niya umano noon kay Pepsi.

Wala raw mula sa kampo o production ni direk Darryl ang lumapit sa kanya para hingin ang permiso niya o nagpaalam o konsulta para gawin ang pelikula.

Sa tanong kung may sama ng loob si bossing Vic sa mga artistang gumanap sa mga karakter na kasama sa pelikula sa pangunguna ni Direk Gina Alajar, Rosanna Roces, Mon Confiado, Rhed Bustamante at iba pa.

“Wala, trabaho lang ‘yun, no problem,” kaswal nitong sagot.

Nasaktan ba siya dahil sobrang na-highlight ang pangalang Vic Sotto na ilang beses binanggit sa teaser.

“No comment ako diyan, sa akin na lang, you know me naman, I’m a very private person, ayaw ko ng kuda ng kuda,” diretsong sagot ni bossing Vic.

Samantala, walang social media si bossing Vic at nalaman daw niya na may ganitong teaser na lumabas sa pamamagitan ng asawang si Pauleen.

“Through my wife kasi ako naman ay hindi active sa social media (at) sa mga kaibigan but basically my wife Pauleen,” sagot ng aktor/TV host.

Nage-expect ba si bossing Vic ng public apology mula kay direk Darryl Yap?

“Sa ngayon ginawa lang namin ang mga nararapat, kung ano ‘yung nararamdaman ko ito na po ‘yun, nakasulat na lahat sa papel, napirmahan ko na, nakapag oath taking na ako sa Fiscal. Kung anuman po ang mangyayari sa susunod ‘yun po ang aabangan natin,” pahayag ni bossing Vic.

Itinuro muli ng aktor ang kanyang abogadong si atty. Dela Cruz kung magkano ang danyos na hinihingi nila sa kasong 19 counts of cyberlibel.

Nagpapasalamat si bossing Vic sa lahat ng sumusuporta sa kanya lalo na ang bong pamilya niya at sinigurado niyang kayang-kaya niya ang labang ito.

Anyway, may nagpadala sa amin ng kopya ng dokumentong pinayl na sa Enero 15, 2025 sa ganap na 8:30am na nakatakda ang Petition for summary hearing to determine the merits of the Petition. The Parties are enjoined to present on that day their respective evidence pertaining to the Petition.

At ang pumirmang presiding judge ay si Atty. Liezel A. Aquiatan, Enero 9, 2025.

Read more...