JESSY natakot sumama kay JAKE sa Spain, mas type ka-date si SAM?


FEELING true-to-life mom ni Jessy Mendiola ang komedyana at bida ng “Call Center Girl” na si Pokwang. Malaki raw kasi ang pagkakahawig ni Pokwang sa real mom ni Jessy. Dahil dito, mahal daw niya ang bagong “IT Girl of Comedy.”

“Si mamang kasi first time ko siyang nakatrabaho pero parang feeling ko ang tagal ko na siyang nakatrabho. ‘Yung parang ang tagal ko na siyang  nakilala. Siguro dahil naalala ko ang nanay ko sa kanya.

Even ‘yung frame ng katawan and ‘yung hulma ng mukha? Parehas sila. My mom kasi is really slim and Mamang din is slim, so, kapag nakakaeksena ko siya, napapa-doble tingin ako.

Kaya ang feeling ko nanay ko ‘yung kaeksena ko,” lahad ni Jessy. Sa ngayon, si Jessy ang pinakaligawing female star sa ABS-CBN. Naging karelasyon niya noon sina JM de Guzman at Enrique Gil.

Nanligaw din sa kanya noon si Robi Domingo. At ngayon, pinag-aagawan siya nina Sam Milby at Jake Cuenca. Si Jake nga gustong dalhin si Jessy sa Spain.

If ever, join naman kaya si Jessy sa kanya? “Ay, gusto ko ‘yan, Spain. Pupunta ako sa Spain,” excited na sabi ni Jessy.
Inulit namin ang tanong namin kay Jessy kung sakaling yayain siya ni Jake ay sama ba siya, “Pupunta ako sa Spain. Ha-hahaha!”

Inamin naman ni Jessy na feeling maganda siya dahil sa rami ng male stars na nagkakagusto sa kanya, “Sino nman po ang tatanggi? Kumbaga po, bilang babae  na-appereciate ko na nanliligaw sila.

Na  they’re very vocal about it. Nakakatuwa,” ngiti niya. Kinumusta namin kay Jessy si JM na balitang nakalabas na raw ng rehab, “Hindi ko po siya nadalaw.

Pero may balita po ako na nakalabas siya. Nalaman ko po through my friends.  Meron  kaming friend na director na very close rin sa kanya.”

Dagdag niya, “Sa ngayon po, kasi wala akong communication like sa mom niya or sa sinumang malapit sa kanya. Nakikibalita pa ako sa mga kaibigan namin. ‘Yun nga po  ‘yung direktor na kaibigan namin.

At nabalitaan ko naman na he’s doing fine, he’s doing well and I’m really happy.  Hindi lang naman ako ang naghihintay sa kanya na bumalik, marami rin po in this industry kasi he’s a very good actor.

He’s a very good friend and he’s a very good man. And I don’t want to say anything bad about him because there is nothing bad to say about him.”

Ang dami raw niyang trabaho kaya hindi niya nadalaw si JM sa rehab, “But since nakalabas na siya wala na akong dadalawin.”
Siyemrep, nalungkot daw siya at nasaktan nu’ng mabalita na ipinasok ng rehab si JM, “Kasi ako ‘yung sinisisi nila kung bakit nangyari.

Pero alam naman natin na hindi. Alam ko po sa sarili ko na hindi.” Lastly, tinanong namin kung kilala niya si Direk Wenn Deramas, “Sino naman po ang hindi nakakakilala kay Direk Wenn Deramas?” sabi niya.

May tsika kasi na ni hindi man lang daw niya binati si Direk Wenn sa isang event. Sey ng aming source,  unang inilapit sa box-office director si Jessy ng kanyang ina.

Kaya si Direk Wenn daw ang  unang nagbigay ng break sa kanya nu’ng hindi pa siya kilala. “Ah, naging director ko p o siya sa Volta. Pero marami po kasi ako na naging frist director,  Pero siya po ‘yung pinaka-major na nagbigay sa akin ng malaking role.

He’s a very respectable director,” pahayag niya.  Since then, wala na raw siyang communication kay Direk Wenn, “Pero pinapaabot ko naman po na sana gumaling siya,” sambit pa ni Jessy.

( Photo credit to Google )

Read more...