HINIKAYAT kahapon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalatayang Katoliko na igugol ang buong araw ng Sabado sa paghingi ng tawad, rekoleksyon at pag-aayuno para sa mga biktima ng super bagyong si Yolanda na bumayo sa gitnang bahagi ng bansa isang linggo na ang nakararaan.
Sa isang sulat para sa mga pari, relihiyoso at lay leaders, hiniling ni Tagle na ialay ang araw na bilang “Panaghoy at Pag-asa: Damayan sa panala-ngin.
Isa umano itong paglalahad ng komunyon at pakikiisa sa mga Filipino na patuloy na nagdadalamhati at naghihirap dahil sa tindi ng kalamidad na dinanas ng bansa.
Pangungunahan ni Tagle ang prayer service at holy hour bilang alas 8 ng gabi sa San Fernando de Dilao Parish church sa Paco, na siyang pansamantalang lugar ng Archdiocese ng Maynila.
Sa naunang hiwalay na mensahe, hinikayat nito ang mga Filipino na ipakita ang pakikiisa sa mga nasalanta sa pama-magitan ng pagtulong at pakikiramay.
“We are one with our suffering brothers and sisters. You are not alone and will never be alone,” paniniguro ni Tagle sa mga biktima ni “Yolanda”.
Inatasan din ni Tagle ang mga pinuno ng simbahan na magsagawa ng special collection para sa mga biktima. Samantala, payak namang ipinagdiwang ng National Council of Churches in the Philippines ang kanilang ika-50 taon anibersaryo kahapon.
“We decided to tone down the commemoration of our jubilee in solidarity with our people who have faced the wrath of the storm” ayon kay NCCP general secretary Rev. Fr. Rex Reyes Jr.
“Instead of a grand celebration, we have transformed our commemoration into an act of solidarity with those who are suffering,” anya pa.