Pelikula nina DANIEL at KATHRYN sa MMFF 2013 nagkaproblema


Isa sa mga naunang natapos i-shoot among the official entries sa Metro Manila Film Festival this December ang movie nina Daniel Padilla at Kathyryn Bernardo na pinamagatang “Pagpag.”

Last Wednesday ay napanood na ng bigwigs ng Star Cinema ang rushes ng movie and they decided na dagdagan pa ang eksena sa ilang bahagi ng kwento.

Kaya any day now ay magsu-shoot ulit ang sikat na loveteam at ga bida ng primetime bida teleserye sa Kapamilya network, ang Got To Believe.

Target daw talaga ng direktor ng movie na si Frasco Mortiz na maagang matapos ang shooting ng movie para mabigyan ng enough time para sa special effects na ilalagay nila.

Pressured din  syempre si Direk Frasco dahil ang “Pagpag” lang ang bukod-tanging horror movie entry sa filmfest. At dahil siya lang ang horror film sa filmest na dating inookupa ng “legendary” “Shake Ratttle & Roll” franchise ng Regal Films, nakisosyo ang production outfit ni Mother Lily Monteverde sa Star Cinema.

Taray ng Kathniel loveteam, ‘di ba? Dalawang malalaking production outfit ang nagsanib-pwersa para sa kanilang first movie together sa filmfest.

Tamang-tama naman at may serye sa  primetime sina Daniel at Kathryn na ibang-iba sa movie nila sa MMFF. Walang sawa pa ring tinututukan ng Kathniel  fans ang Got To Believe gabi-gabi kaya naman nananatili ang soap nila na isa sa mga top-rating shows sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

( Photo credit to Google )

Read more...