Darryl Yap chill-chill lang sa balitang pagdedemanda ni Vic Sotto

Darryl Yap chill-chill lang sa pagdedemanda raw ni Vic Sotto

Darryl Yap at Vic Sotto

OBVIOUSLY, nakarating na agad kay Darryl Yap ang balitang sasampahan umano siya ng reklamo ng veteran TV host-actor na si Bossing Vic Sotto.

Pero mukhang “unbothered” naman ang peg ng direktor at chill-chill lang habang ping-uusapan ang nakatakdang pagsasampa ng reklamo laban sa kanya.

Ipinost ng controversial filmmaker sa kanyang Facebook page ang report ng TV5 tungkol sa paghahain daw ng kaso ng isa sa mga original host ng “Eat Bulaga” laban sa kanya.

Bukod dito, ibinahagi rin ng direktor ang umano’y media advisory tungkol sa paghahain ng reklamo ni Bossing hinggil sa kontrobersya.

Baka Bet Mo: Lolit Solis sa isyu sa pagitan ni Willie at Viva: Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo

Ayon sa ulat ng TV network, magsasampa ng reklamo si Bossing laban kay Darryl Yap matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa teaser ng biopic ng yumaong aktres na si Pepsi Paloma.

Ihahain daw ang kaso sa Muntinlupa City Regional Trial Court bukas, January 9, ayon pa sa legal counsel ni Vic Sotto.


Wala namang nabanggit sa report kung anong eksaktong mga kaso ang isasampa ng “The Kingdom” lead star laban sa direktor.

Walang caption na inilagay si Direk Darryl sa kanyang post pero sandamakmak agad na netizens ang nagkomento rito. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng FB followers ni Direk Darryl.

“Baka hindi na maipalabas ang pelikula sa mga sinehan. Sana mapanuod pa rin ng mga tao para mahusgahan.”

“Kaya mo naman mag pyansa eh 200M sisw lang sayo yan.”

“Kaya mo naman mag pyansa eh 200M sisw lang sayo yan.”

“Di pa napapalabas, kakasuhan na agad HAHAHHAA juskoooo ipapanood nyo muna sa taooooo.”

“Ang tapang mo talaga direk Darryl Yap  bravoo. MIM Era din yan madami humusga pero nung napalabas na nganga mga bashers at epal ibang iba sa iniisip nila. Ganyan ka kagaling teaser pa lng yan ha maingay na sa SOCMED.”

“I can’t take a side on this kasi kung tutuusin marami nmn movie na true to life na may crimes..pero kung babasehan ang teaser,yes nkakasira tlga ng pangalan kahit p sabihin natin na wag muna mg judge dahil di p naipapalabas ang movie kasi may impact n lalo na sa mga di nkakaalam ng story ni pepsi paloma before.”

“I think direk’s team already know what to do if ever magreklamo si vic sotto.. di nila ipapalabas ung teaser na ganun ganun lng if di nila napaghandaan.”

“May twist sigurado yan, baka di nman sila pero nag react na agad. Pang pa siklab at mag ingay lalo ang movie pag uusapan Bossing. Sigurado nman naisip ni Direk Darryl na ganyan ang mangyayari.”

Read more...