KAKASUHAN ng TV at movie icon na si Bossing Vic Sotto ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.
Ito’y kaugnay ng inilabas na teaser ni Direk Darryl para sa latest movie niyang “The Rapists of Pepsi Paloma” na pinagbibidahan ng teen actress na si Rhed Bustamante.
Ayon sa ulat ng TV5, maghahain ng reklamo ang TV host-actor laban kay Darryl Yap matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa teaser ng biopic ng yumaong aktres na si Pepsi Paloma.
Ihahain daw ang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court bukas, January 9, ayon sa legal counsel ni Vic Sotto.
Baka Bet Mo: Darryl Yap sa mga epal: Ginawa ko ang Pepsi Paloma para talaga sa inyo!
Walang nabanggit sa report kung anong eksaktong mga kaso ang isasampa ni Bossing laban sa direktor.
Nauna rito, nilinaw ni Direk Darryl ang mga kontrobersyang bumabalot sa “The Rapists Pepsi Paloma” kabilang na ang mga nagsasabing isa lamang daw itong “diversion” para mailihis ang mga tunay na isyu sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Nabanggit din niya sa kanyang Facebook post ang pangalan ni Bossing.
“Pepsi and I—we are Olongapeños. But more than that, this story has haunted the public consciousness for decades.
“As a filmmaker who started out in social media, I don’t choose these stories; they choose me
“Social media keeps resurrecting it, raw and unresolved, like an open wound. And when something keeps coming back like that, you realize—it’s not just a story, it’s a reckoning.
“I felt a responsibility to confront it, to dig into the truth, no matter how uncomfortable, and present it in a way that demands to be seen and felt,” aniya pa.
Sumunod dito ay binanggit naman ng direktor ang pangalan ni Bossing, “About Sir Vic Sotto, I’m not sure whether to offer an apology for his name being mentioned in the film.
“The truth, after all, is unapologetic. As a public figure tied to a public story, I believe there’s an understanding that stories like this will inevitably resurface.
“My role as a filmmaker isn’t to pass judgment or provoke—it’s to tell the story as it happened, with honesty and respect for the facts.
“I trust that those who will watch the film will see it for what it is: an attempt to shed light on a controversy that refuses to be forgotten.
“I respect my fellow artists, I respect the pillars of the industry, but what I respect most is the Truth in my heART,” ang buong post ni Direk Darryl Yap.