DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso actor o kilala bilang Pambansang Ginoo na si David Licauco ang mga tanong ng mga netizens kung naniniwala ba ito sa three-month rule.
Habang nagsasagawa ng livestream ang aktor para sa isa pa niyang bagong negosyo na Good Drip, marami sa mga mga netizens ang nagpadala ng tanong at isa na nga rito ay ang kanyang pananaw tungkol sa three-month rule at kung naniniwala siya rito.
“In response, David said, “Siguro oo. Dapat,” sagot ni David.
Aniya, dapat raw ay hayaan muna ang sarili na maging ok bago muling pumasok sa panibagong relasyon.
Baka Bet Mo: David Licauco hiwalay na sa non-showbiz dyowa, anyare?
“Kasi isipin mo, kunwari ikaw, nakipaghiwalay ka, kailangan mo muna i-heal ‘yung sarili mo so that ‘yung baggages mo from the past relationship, hindi siya madadala sa next relationship mo,” sabi pa ni David.
Dagdag pa niya dapat ay ready ang sarili sa lahat ng aspeto para hindi na maulit ang mga naging problema sa nakalipas na relasyon.
“I think you have to work on yourself first mentally, physically, emotionally, and spiritually before you jump into another relationship para hindi ma-encounter’ yung mga problems before during your past relationship. Self first… Kailangan munang ayusin ang sarili,” sey ni David.
Matatandaang muling umingay ang ‘three-month rule” matapos ang naging anunsyo ni Barbie Forteza na hiwalay na sila ng longtime boyfriend for seven years na si Jak Roberto.
Si Barbie ay ang onscreen partner ni David at kilala ang kanilang loveteam sa tawag na “BarDa”.
Marami sa mga fans nila ang nasiyahan at inisip na finally ay magkakaroon na ng chance na maging real ang reel partnership ng dalawa dahil pareho na silang single.
Samantala, wala pa namang pahayag si David tungkol sa mga chikang may chance na sila ng kanyang ka-love team.