Warning ni Sharon sa mga anak: Once a cheater, always a repeater!

Warning ni Sharon sa mga anak: Once a cheater, always a repeater!

Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan, KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel Pangilinan

TUMATAGOS ang mga hugot ni Megastar Sharon Cuneta patungkol sa mga lalaking manloloko o “cheater.”

Ito’y paalala hindi lang para sa kanyang mga anak kundi para sa lahat ng kababaihan laban sa mga lalaking naging hobby na ang panlilinlang at pagtataksil sa kanilang mga karelasyon.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Mega ang ilang artcards na naglalaman ng mensahe hinggil sa pagiging cheater ng ilang guys.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa mga manloloko: You cannot play with anybody’s heart

“If you sleep with a man while he has a girlfriend, one day that man will do the same to you,” ang nakasaad sa unang artcard na ipinost ni Sharon.


Ito naman ang mga mababasa sa mga sumunod na post ni Mega.

“If he’ll cheat with you, he’ll cheat on you.”

“Once a cheater, always a repeater.”

“So better to have one loyal man on your side than ten FAKE boys.”

Sa caption, naglabas nga ng kanyang saloobin si Shawie about some cheaters.

“For my daughters to remember – and to all of you ladies! Read this over and over again.

“And REMEMBER IT! ‘Once a cheater, ALWAYS a cheater!'” aniya pa.

Bago matapos ang 2024,  napabalitang hiwalay na ang panganay na anak niyang si KC Concepcion sa boyfriend nitong foreigner.

Ito yung guy na isinama ni KC sa reunion concert ng inang si Sharon at amang si Gabby Concepcion.

Read more...