World’s oldest person Tomiko Itooka pumanaw na sa edad 116

World's oldest person Japanese Tomiko Itooka pumanaw na sa edad 116

Tomiko Itooka

PUMANAW na ang itinuturing na pinakamatandang tao sa buong mundo na si Tomiko Itooka. Siya ay 116 years old.

Base sa ulat mula sa iba’t ibang international news outlets, namatay si Itooka sa isang nursing home sa Ashiya, Hyogo, Prefecture nitong nagdaang December 29.

Si Itooka ay isang Japanese, na kinikilala bilang world’s oldest person ay nagkaroon ng apat na anak at limang apo, ayon sa Guinness World Records.

Siya ang pumalit sa record na naitala ni Maria Branyas Morera mula naman sa Spain na pumanaw naman noong August, 2024. Siya ay 117 years old.

Baka Bet Mo: Apo Whang-od kering-keri pa ring mag-tattoo at magsayaw sa edad na 105

Isinilang si Itooka noong May, 1908, anim na taon bago sumiklab ang World War I. Bilang isang estudyante, nahilig siya sa paglalaro ng volleyball.

Balitang favorite niya ang pagkain ng saging at pag-inom ng Calpis, isang milky soft drink na sikat na sikat sa  Japan.

Pahayag ni Ashiya Mayot Ryosuke Takashima sa isang official statement sa pagpanaw ni Tomiko, “Ms. Itooka gave us courage and hope through her long life. We thank her for it.”


Ayon naman sa statement ng Guinness World Records na ipinost sa X (dating Twitter), “Sad news today that the world’s oldest person, Tomiko Itooka, has died at the age of 116. Our thoughts are with her family.”

Inaasahan namang papalit sa record ni Itooka ang Brazilian nun na si Inah Canabarro Lucas na 116 anyos na rin. Mas bata lamang siya ng 16 na araw kay Itooka.

Ipinanganak ang madre noong June 8, 1908, base sa datos ng US Gerontological Research Group and LongeviQuest.

Ayon sa ulat, ang Japan pa rin ang may pinakamaraming bilang ng centenarian sa buong mundo. Tinatayang nasa 95,000 sa populasyon nito ay nasa edad 100 pataas.

Read more...