Roderick Paulate gustong ipayo kay Vice Ganda mga natutunan kay Dolphy

Roderick Paulate gustong ipayo kay Vice Ganda mga natutunan kay Dolphy

Vice Ganda, Boy Abunda at Roderick Paulate

TANDANG-TANDA pa rin ng premyadong aktor na si Roderick Paulate ang ilang advice na ibinigay sa kanya ng namayapang King of Comedy na si Dolphy.

Maraming pelikulang pinagsamahan sina Kuya Dick at Mang Dolphy noong kasagsagan ng kanilang kasikatan at napakarami rin niyang natutunang life lesson mula sa Hari ng Komedya.

Ang mga payong natanggap ni Roderick kay Mang Pidol ang nais sana niyang ibahagi sa Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda at sa iba pang mga kilalang komedyante ngayon.

Napa-throwback si Kuya Dick sa guesting niya “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, January 3, kung saan inalala niya ang mga aral na natutunan niya sa nag-iisang King of Comedy.

Isa raw sa mga sinabi sa kanya ni Mang Pidol noon ay, “Huwag iiwan ang comedy. Kokonti lang ang komedyante.”

Baka Bet Mo: Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!

“Sa set ‘yan ng pelikulang ‘John En Marsha sa Probinsya.’ Doon ‘yung scene na lalaki ako eh, ‘Shirley!’ (karakter ni Maricel Soriano), lalaking pumapasok tapos ‘yun pala habang (nililigawan) ko si Shirley, ‘Saan ba ang kapatid mo? Nasaan ba si Rolly?’


“Yun pala ang inaatake ko, ‘yun pala ang gusto kong puntahan, si Rolly (Quizon, kapatid ni Maricel sa programa),” pagbabalik-tanaw ni Roderick.

Parehong bumibida si Kuya Dick noon sa comedy at drama. In fact, nanalo pa nga siya ng kanyang kauna-unahang acting award para sa drama.

“Pero siya (Dolphy) ang nagsabi, ‘Tawang-tawa kami sa ‘yo iho. Lika dito anak.’ Nakasandal pa kami noon sa may kotse roon sa set na ‘yun eh. Sabi niya sa akin, ‘Dick, ayaw mo mag-comedy? Mag-comedy ka na lang,'” chika pa ni Roderick sa sinabi sa kanya ng Comedy King.

“Sabi ko, ‘Nagko-comedy naman po ako.’ ‘Yung comedy ituloy-tuloy mo na. ‘Yung diretso na, huwag ka nang magdrama. Kasi kulang na eh, kulang na tayo sa comedy,'” ang sabi pa raw sa kanya ni Pidol.

“Gustung-gusto niya na ituloy ko ‘yung comedy. Binanggit niya na nababawasan na, tumatanda na rin, so kailangan may mga bago na,” sey pa ng award-winning veteran actor.

Ang mga aral na ito mula kay Dolphy ang nais din niyang ipayo kay Vice Ganda dahil naniniwala siya na matagal na matagal pa itong mananatili sa entertainment industry.

“Ang namamayagpag naman si Vice, so siguro isa siya roon. Kaya lang ang gusto ko lang naman mangyari sa kanya, nagsi-shift na siya eh, kumbaga ang ginagawa na niya, dalawa,” sey ni Roderick.

Ilan sa mga classic at blockbuster movie ni Kuya Dick ay ang “Mga Anak ni Facifica Falayfay,” “Gorio and Tekla,” “Petrang Kabayo,” “Bala at Lipistik”, “Ded Na Si Lolo”, “Jak En Poy”, “Binibining Tsuperman” at marami pang iba.

Sa Lunes, January 6, ay mapapanood muli sa telebisyon si Roderick sa pamamagitan ng Kapuso Prime series na “Mga Batang Riles” na pinagbibidahan ni Miguel Tanfelix.

Read more...