NAKA-MOCHA Mousse na ba ang lahat? Ready na bang rumampa nang bonggang-bongga at matikman ang hatid na swerte ng 2025?
This year, ibinandera nga ng Pantone Color Institute ang napili nilang Color of the Year — ang PANTONE 17-1230 Mocha Mousse.
Sabi ni Pantone Color Institute Vice President Laurie Pressman, ang “warm brown shade” tulad ng kulay ng chocolates at coffee ay naghahatid ng feeling ng kaginhawaan at kaligayahan.
Bukod dito, ang Mocha Mousse ay sumisimbolo sa pagnanais ng isang tao na makaranas ng simpleng kasiyahan sa buhay at nagbibigay ng pakiramdam ng katatagan at kaginhawaan.
Sa usaping feng shui naman at astrology, ang Mocha Mousse ay maaaring makapang-akit ng positive energy sa buhay at personalidad ng tao.
Ang mga kulay na may elementong lupa, tulad ng iba’t ibang shade ng brown ay sumisimbolo ng seguridad at katatagan sa buhay, partikular na sa pakikipagrelasyon at career.
Nakaka-attract din ang mainit na tono ng Mocha Mousse ng pakiramdam ng kaginhawaan na maaaring makatanggal o makabawas ng pagod at stress.
Inuugnay din ang kulay ng Mocha Mousse sa aspeto ng kasaganaan at magandang kalusugan. Maaari rin itong magdala ng positive energy sa usaping pinansiyal.
May dala rin daw na swerte ang Mocha Mousse kapag ginamit sa style ng pananamit, accessories at sa pagsasaayos o interior design ng bahay.
Ang mga kagamitan at dekorasyon na may shade ng brown ay maaaring magbigay ng maaliwalas at malinis na ambiance sa anumang bahagi ng bahay.
Perfect din ang paggamit ng Mocha Mousse when it comes to beauty and W
wellness tulad ng nail polish at lipstick.
Well, wala namang mawawala kung gagamit tayo ng maswerteng kulay ngayong 2025 at makaakit ng positive energy sa lahat ng aspeto ng buhay.
Basta ang mahalaga sa pagsisimula ng Bagong Taon ay ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa life at dedmadela (dedma) na sa mga kanegahan.