PARA sa aktres at negosyanteng si Kris Bernal ang pinaka-challenging part ng kanyang pagiging nanay ay ang pagpapadede sa panganay niyang anak na si Hailee.
Sa pag-welcome ni Kris sa taong 2025, nagbalik-tanaw siya sa ilang mahahalaga at hindi malilimutang bahagi ng naging journey niya sa nagdaang 2024.
Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram page ang mga litrato nila ng kanyang husband na si Perry Choi kasama ang kanilang unija hija na si Hailee.
Sa kanyang caption, napa-throwback si Kris sa unang taon ng kanyang pagiging nanay na inilarawan niya bilang most challenging role na ginampanan niya sa totoong buhay.
Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She’s finally here
“It has been the most transformative, beautiful, fulfilling year of my life. I embraced the most incredible journey of all: becoming a mom,” simulang pagbabahagi ni Kris Bernal.
Pagpapatuloy ng celebrity mom, “It wasn’t always easy – exclusively breastfeeding being the most challenging thing – but every step was worth it for the miracle I was blessed to nurture.”
Ayon pa sa Kapuso actress, sa pagiging nanay niya naintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang “strength” at “patience” mula sa pagiging single na naka-focus sa kanyang career, health, fitness, at self-care.
“Motherhood – some days I rock it. Some days it rocks me. Either way, we are rockin’. Here’s to motherhood, growth, and everything we can achieve – together – this 2025!” ang mensahe pa ng celebrity mom.
Sa isa pang post ni Kris sa IG, inamin din ni Kris na totoong may pagkakataon na nakakalimutan na niya ang sarili dahil sa “pagkalunod” sa pagganap bilang nanay ni Hailee.
Nag-share si Kris ng litrato nila ng panganay na anak kung saan nabanggit nga niya ang mga pinagdaanang challenges at sakripisyo bilang nanay.
“I’ve struggled mentally, physically, and emotionally. Not sure of who I was anymore.
“My whole world felt so strange. I was drowned in motherhood. And, losing myself led me to find this newer version of me.
“I am broken and then rebuilt, I am stronger. I cry harder and I love deeper. I am constantly learning, growing, and adapting.”
Kasunod nito, nag-post din ang aktres ng message para kay Baby Hailee, “To my little sunshine I never knew I needed. Thank you for saving me in 2023.
“You have filled a void in my heart that I know only could have been filled by you. Thank you, Lord, for the blessing of family,” sey ni Kris.
At para naman sa mga first-time mommy tulad niya, may mensahe rin si Kris para sa inyo, “To all the new moms, I see you, I feel you, let’s face 2024 with strength, resiliency, compassion, and grace (Even we’re all sleep-deprived).”
Matatandaang ikinasak sina Kris at Perry noong 2021 at biniyayaan ng anak noong 2023.