MAY isang bagay o pangyayari na talagang kinatatakutan ang Kapamilya actor-singer na si Carlo Aquino pagdating sa pagiging tatay ni Mithi.
Aminado ang award-winning actor na ang “biggest fear” ng isang amang tulad niya ay ang pagdating ng panahon na ayaw nang makipaglaro sa kanya ng anak.
Ayon sa lead star ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Hold Me Close” kasama si Julia Barretto, natatakot siya sa araw na iba na ang mga gustong gawin ng anak niya sa dating karelasyon na si Trina Candaza.
“‘Yung isa mga fear ko, kasi nga madalang kaming magkita ‘di ba, na kapag sinundo ko siya ta’s dumating na siya sa bahay, hindi na gano’n ka-playful. Hindi na laro ‘yung gusto,” pagbabahagi ni Carlo sa panayan ng online show na “BRGY” hosted by Bianca Gonzalez.
Baka Bet Mo: Glydel kinatatakutan pagpapakasal ng mga anak: Parang baby ko pa rin sila
Paliwanag pa ni Carlo, “Darating siya sa akin, sabihin natin mga 6-years old na, ayaw na niyang makipaglaro. Masakit siya sa akin.”
Sabi naman sa kanya ni Bianca, never naman daw talagang mawawala kundi mapapalitan lamang ang paraan ng pakikipaglaro ng bata sa kanilang mga magulang paglaki nito.
“Kasi, and scientifically proven, na ang child daw to the dad pinaka-happy or lumalabas ‘yong mga happy hormones ‘pag play talaga. So mag-e-evolve lang,” lahad ng Kapamilya TV host.
Hindi naman daw nagkukulang si Carlo sa pagbibigay ng quality time sa anak nila ni Trina at maayos din ang co-parenting agreement nila ng dating partner para kay Mithi.
Inaasahan naman na very soon ay magkakaroon na rin ng anak si Carlo sa kanyang asawang aktres na si Charlie Dizon.
Sa isang panayam, sinabi ni Carlo na maganda rin ang relasyon ni Charlie kay Mithi, “Syempre yun naman talaga ang isa sa mga goal na maging okay yung relationship ni Charlie at ni Mithi. Nagawa na namin na okay na sila, na kapag wala si Charlie, sabay hinahanap na siya ni Mithi, yung ganu’n.
“Ang sarap lang na makita yung ganu’n na alam mo yun, may peace sa puso. Ang sarap-sarap lang, hindi ko ma-explain, ang hirap basta happy ako,” aniya.
Tungkol naman sa pagkakaroon nila ng baby ni Charlie, “Hopefully, hindi naman kami nagko-control. Kung mabe-bless, di ba, sobrang tatanggapin namin yun ng buong-buo. Pero kung hindi, magtatrabaho kami hanggang mabigyan kami ng biyaya na yan.”
Plano ng mag-asawa na magkaroon ng dalawa hanggang tatlong anak.