“PINILAHAN” ng mga girlalu ang Kapuso hunk na si David Licauco matapos mag-post ng kanyang litrato na kasamang baby girl.
Kilig-kiligan at feeling landi-landian ang peg ng mga netizen nang makita ang ilang litrato ng Kapuso star at tinaguriang Pambansang Ginoo sa Facebook.
May kasamang batang babae si David sa mga naturang litrato at sa inilagay niyang caption, nag-joke ang binata na mukhang handa na siyang magkaroon ng sariling baby.
Baka Bet Mo: Cryptic post ni Priscilla sa pakikipagrelasyon, pang-asar kay John?
“Ready na ata ako,” ang hirit ng “Pulang Araw” star sa kanyang caption. Base sa ilang comments na nabasa namin, pamangkin daw ng aktor ang bata.
Maraming fans naman ng aktor ang nag-volunteer na maging nanay ng kanyang baby. Payag daw silang magpabuntis sa Kapuso hunk. Narito ang ilang hirit na pangdo-dogshow ng netizens kay David.
“Pwede ako maging INA?”
“Ready na rin ako Alagaan ka my love David Licauco.”
“Maghanap ka muna ginoo ng aanakan mo.”
“So cute naman maging daddy ni david maalaga siya sa kanyang baby.”
“Puwede po mag-apply as mommy?”
“Oki. Uwi kana lang, wait kita.”
“Umuwi kana asawa ko gagawa na tayong anak HAHAHA”
“Ready na din ako.”
“Babe yung anak natin wag mo masyado ilusong baka sipunin.”
“Wait lang, di pa ako ready.”