TALAGA namang parang rollercoaster ang mga ganap ngayong 2024 sa mundo ng showbiz at kahit papatapos na ito ay hindi pa rin nagpaawat sa mga kontrobersiya.
Kung may mga masasaya at na-achieve ang kanilang goals ngayong taon, mayroon naman mga personalidad ang hindi nakatakas pagkakasangkot sa mga isyung pinag-usapan at pinagpiyestahan.
Ang ilan pa nga sa kanila ay hindi lang nag-trending bagkus nauwi sa demandahan at pagkakakulong.
Narito ang mga artistang hindi nakaligtas sa mga kontrobersiya pati na rin ang mga nasangkot sa mga investment scam na humantong sa korte.
Pokwang versus Lee O’ Brian
Noong April 2024, tuluyan nang ipina-deport ang American actor at dating karelasyon ni Pokwang na si Lee O’Brian ng Bureau of Immigration (BI).
Matatandaang naghain noong 2023 ang Kapuso actress ng deportation case at cancellation of visa laban sa ama ng kanyang bunsong si Malia dahil sa umano’y wala itong “proper working permits.”
Chika ni Pokwang, “undesirable alien” ang dating karelasyon at dapat itong mapabalik sa kanyang sariling bansa dahil na rin sa hindi nito pagbabayad nang tama sa pag-ooverstay sa Pilipinas.
Baka Bet Mo: Yearend 2024: Walang forever…9 trending hiwalayan sa showbiz
Bea Alonzo versus Cristy Fermin at Ogie Diaz
Marami ang nagulat sa entertainment media nang sampahan ng kasong cyberlibel ni Bea Alonzo ang showbiz insiders na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.
Noong May 2024, dumulog ang aktres sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng laban sa dalawa pati sa kanilang mga co-hosts sa kanilang mga online showbiz programs.
Nag-file maman ng counter affidavit si Ogie laban sa isinampang kaso sa kanya pati na rin sa mga co-hosts niya sa “Showbiz Update”.
Sa ngayon ay wala pang balita kung ano na ang developments ng naturang kaso laban sa dalawa.
Jude Bacalso versus waiter
Sino ba naman ang makakalimot sa nag-trending na isyu ng kilalang personalidad sa Cebu City na si Jude Bacalso matapos niyang patayuin ang isang waiter sa restaurant na pinuntahan matapos siyang tawaging “Sir”.
Nauwi pa nga sa demandahan ang naturang insidente matapos siyang kasuhan ng waiter ng unjust vexation, grave scandal, grave coercion, grave threats, at slight illegal detention sa kabila ng kanyang public apology.
Sa ngayon ay wala pa namang update na naibabalita tungkol sa mga kasong isinampa ng waiter laban kay Jude.
Sandro Muhlach versus Jojo Nones at Richard Cruz
August 2024 nang magimbal ang lahat matapos mabigyang mukha ang kumalat na blind item tungkol sa isang baguhan aktor na inabuso umano ng mga may matataas na katungkulan sa isang network.
Napag-alaman na ito’y si Sandro Muhlach, anak ni Niño Muhlach at ang umano’y nang-abuso ay ang independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Nagkaroon ng senate hearing sa pangunguna ni Sen. Robin Padilla upang imbestigahan ang nangyari umanong sexual harassment ng dalawa sa aktor matapos ang GMA Gala.
Noong October 30, sinampahan ng Department of Justice ng kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness sina Jojo at Richard matapos itong makakuha ng ebidensya.
Sa ngayon ay wala pang bagong update hinggil sa kaso ni Sandro.
Sharon Cuneta versus Cristy Fermin
INDICTED ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kasong five counts ng cyberlibel na isinampa sa kanya ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.
“It is respectfully recommended that Cristinelli S. Fermin be indicted for five counts of libel under Article 355 of the RPC (Revised Penal Code) in relation to Section 4 (c)(4) of RA 10175, and the corresponding Information be filed in court,” saad sa resolusyon na inilabas ng Makati Prosecutor’s Office.
Ang kasong cyber libel na isinampa sa showbiz columnist ag kaugnay sa mga vlogs na uploaded sa YouTube channel nito na sinabing “baseless” at “malicious” ng kampo nila Sharon.
Nag-file ng bail si Cristy na umabot sa P240,000 na ibinalita niya rin sa kanyang YouTube channel kung saan sinabi niyang hindi pa rin daw tapos ang laban.
Sa kabila nito ay nagpasalamat ang showbiz columnist sa mga sumusuporta sa kanya at sinabing hindi niya uurungan ang laban at maniniwala na “lahat ng tao meron pong dahilan at katwiran sa kanilang pinaglalaban.”
Rita Daniela versus Archie Alemania
October 2024 nang biglain ng Kapuso star na si Rita Daniela ang madlang pipol matapos itong magsampa ng kasong acts of lasciviousness laban sa “Widos War” co-actor na si Archie Alemania sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City, Cavite.
Chika ng aktres, nakaranas siya ng trauma danil daw sa ginawa umanong pagtatangka sa kanya ng aktor.
Base sa kaniyang sinumpaang salaysay, nangyari ang naturang harassment ni Archie sa kanya noong Setyembre nang minsan daw alukin ng aktor si Rita na ihatid pauwi matapos ang pagdalo sa thanksgiving party ni Bea Alonzo.
Nang nakasakay na raw si Rita sa sasakyan at nasa daan pauwi ay hinawakan siya sa leeg at sa balikat na labag sa kanyang kalooban.
Sinubukan rin daw siyang nakawan ng halik ng aktor matapos siyang hilahin at yakapin bago siya makababa sa sasakyan kahit sinubukan niyang manlaban.
Ngunit ilang araw ay pinabulaanan ni Archie ang mga bintang ng aktres at naghain rin ito ng counter-affidavot laban sa kasi sa kanya ng aktres noong December.
Samantala, naghain rin ng counter-affidavit ang kampo ni Rita laban sa counter affidavit ni Archie.
Ken Chan
Nagsimula ang lahat sa isang blind item tungkol sa isang aktor na nawala raw sa kanyang teleserye at lumipad papuntang ibang bansa dahil sa kinakaharap na kasong syndicated estafa.
Ilang araw matapos ang pag-viral ng blind item ay pinangalanan ito ni Ogie Diaz na si Ken Chan.
Ayon sa balita ay inireklamo ang aktor ng kanyang investors sa nalugi niyang restaurant.
Dalawang beses na sinubukan ng pulisya na silbihan ng warrant of arrest si Ken ngunit hindi ito natagpuan sa kanyang bahay sa Quezon City.
November 14, 2024 nang tuluyan nang magsalita ang aktor tungkol sa isyu sa pamamagitan ng isang social media post.
Aton kay Ken, totoo na nalugi ang kanyang restaurant at tahimik na naghahanda ang kanyang legal team para sa kasong isinampa laban sa kanya.
Matapos nito ay isang investor rin ang lumantad at hinamon ang aktor na umuwi at harapin ang mga kasong kinakaharap nito sa bansa.
Neri Naig-Miranda
Marami ang nabigla matapos mapag-alaman na inaresto ang aktres at asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda.
Nasangkot ang dating aktres at negosyante sa kaso ng paglabag sa Republic Act (RA) 8799 Section 8, o may titulong “Registration of Brokers, Dealers, Salesmen and Associated Persons” ng Security of Exchange Commission o SEC matapos itong maging endorser at franchisee sa skin care company na “Dermacare” na pagmamay-ari ni Chandra Atienza.
Halos tatlong taon rin naging bahagi ng skin care company si Neri bago nito tuluyang ianunsyo sa publiko noong September 2023 na hindi na siya bahagi ng Dermacare.
Kinumpira nga na si Neri ang nahuling aktres ng Southern Police Station na binigyang alyas na “Erin”.
Kasunod nito ay ang pagkumpirma rin ni Chito sa pagkakaaresto sa asawa at ang paglilinaw na walang ginagawang masama ang kanyang asawa at ang lahat ng pera ay nasa may-ari ng kumpanya.
November 27 nang hilingin ng kampo ni Neri sa korte na ibasura ang 14 counts ng violation of Securities Regulation Code at estafa case na isinampa sa kaniya. Naghain rin sila ng motion to quash ngunit sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang kanyang arraignment at idaraos na ito sa January 9 at patuloy na nanatili sa kulungan si Neri hanggang sa naospital ito.
Natupad naman ang hiling ni Neri at kanyang pamilya dahil noong December 4 ay sinabi ng kanyang legal team na pansamantalang makakalaya ang aktres matapos maaprubahan ng korte ang pagpapyansa niyaz
Maris Racal, Anthony Jennings versus Jamela Villanueva
Paniguradong perfect ng mga certified Marites ang quiz kung ang topic ay patungkol kina Maris Racal, Anthony Jennings, at ex-girlfriend nitong si Jam Villanueva.
Marami nga ang napuyat matapos maglabas ng resibo ni Jam tungkol sa panloloko sa kanya ng dating dyowa na nakikipaglandian sa ka-love team nitong si Maris.
Nangyari ang paglalabas ng screenshot ni Jam matapos sabihin ni Anthony na hiwalay na sila at magkaibigan lang sila ni Maris.
Ngunit taliwas ito sa mga inilabas na screenshot ni Jam dahil intimate rin ang dalawa sa isa’t isa kahit na magdyowa pa sila.
Ilang araw matapos ang pasabog ni Jam ay lumantad sa publiko si Maris at inaming totoong may namagitan sa kanila ni Anthony.
Ngunit paglilinaw niya, parehas silang niloko ng aktor dahil ang sinasabi nito ay single siya kaya naman pumayag si Maris na mapalapit sa aktor kahit na ang totoo ay in a relationship pa pala ito kay Jam.
Humingi naman siya ng tawad sa lahat at nangakong patuloy na lalaban para sa pangarap sa kabila ng pinagdaraanan.
Maging si Anthony ay naglabas ng public apology at inaming kasalanan niya ang nangyari.
Denise Julia versus BJ Pascual at Killa Kush
Hindi naman talaga papaawat amg mga intriga dahil bago matapos ang taon ay pasabog pa rin ang handog ng R&B singer na si Denise Julia laban sa celebrity photographer na si BJ Pascual at podcaster na si Killa Kush.
Ito ay nagsimula nang mausisa si BJ kung ano ang kanyang “worst celebrity experience” at nabanggit ang encounter nila ni Denise na super unprofessional raw at nag-cancel ng photoshoot at ayaw pang magbayad. Mabuti na lang raw at nakahanap siya ng ibang artista na gagawa ng shoot at nakihati sa kanyang expenses.
Mismong araw ng Kapaskuhan ay nagsalita si Denise at naglabas rin ng screenshots upang suportahan ang salaysay na ang team ni BJ ang naging cause of delay at nag-cancel ng shoot dahil sa hindi rin nila pagkakasundo tungkol sa budget.
Ngunit sinagot rin ni BJ ang mga pahayag ni Denise at sinabing bagamat may lapses ay aware si Denise sa shoot dahil nai-coordinate ito sa kanya.
Muli namang nagsalita si Denise at naglabas na ng screen recording para sa “transparency” at kasalukuyan nang nakikipag-usap sa kanyang mga abogado para sa posibleng kasong isasampa kina BJ Pascual at Killa Kush.
Ayan na mga ka-Bandera! For sure ay may maisasagot ka na sa mga showbiz chika sa reunion 2024.
To more chika at intriga sa 2025! Manigong Bagong Taon sa ating lahat!