HINDI agree ang Kapamilya actress at singer na si Janella Salvador na magpakasal ang isang babae dahil nabuntis ito ng kanyang partner.
Kontra ang celebrity mom sa kapaniwalaan ng maraming Pinoy na kailangang ipakasal ang babae sa lalaking nakabuntis sa kanya para sa kanyang magiging anak.
Naniniwala si Janella sa konsepto ng kasal, base sa panayam sa kanya sa isang episode ng “Modern Parenting”, pero hindi raw ito para sa lahat.
“I believe marriage is not a bad thing. It’s ideal when like when you have a family. It’s ideal to be married so that your kids grow up in a complete family, complete setup,” esplika ng aktres na dating partner ng aktor na si Markus Paterson.
Baka Bet Mo: Gerald umalma sa chikang nabuntis daw si Kylie: Hintayin na lang natin after 9 months
Patuloy pa niya, “But it just doesn’t work out for some and that’s the reality of it. I’m against those who force or like who impose na, ‘Oh, you guys are gonna have a baby, you have to get married.’ I don’t know, I don’t think it’s right.”
“For example, you’re having a baby unexpectedly. You’re life isn’t over, doesn’t mean you have to tie yourself to someone forever.
“You can still be good parents, you can still raise a child responsibly,” dagdag pa niyang paliwanag.
“Because like there’s so many situations where they stay just for the sake of the kid, then they end up so unhappy. Just fighting, constantly fighting, then the kid grows up in that environment,” dugtong pa ng aktres.
Ang advice ni Janella sa lahat ng mga babaent nabuntis o mabubuntis ng kanilang mga dyowa, kung hindi pa talaga ready na bumuo ng sariling pamilya, huwag munang magpakasal.
Maayos na naghiwalay sina Janella at Markus matapos mag-live in nang ilang taon. Mukhang maganda rin ang co-parenting agreement ng ex-couple para sa anak nilang si Jude.