USAP-USAPAN sa social media ang viral video ni Cristine Reyes na kuha ‘nung Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Maikli lang ang video, pero makikitang umiiyak ito habang may kausap sa kanyang telepono at nagmamadali ring umalis sa venue na may mga security personnel na nakapalibot sa kanya.
Dahil diyan, maraming netizens ang nagtatanong kung ano ang nangyari at kanya-kanyang hula naman ang iba.
Just in: Cristine Reyes, umiiyak habang lumalabas sa MMFF. Bakit kaya? pic.twitter.com/KIlIwigfgv
— Auntie Selina (@auntieselina_) December 28, 2024
Hindi rin naman nagtagal nang mag-post ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina sa kanyang Instagram Stories.
Baka Bet Mo: Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’
Doon napagtanto ng marami na nagkaroon ng family “emergency” ang aktres dahil naospital ang kanilang ina.
Makikita sa isang post ni Ara ang picture ng kanyang ina na nakahiga sa hospital bed at nandoon din si Cristine.
Caption niya riyan, “Earlier, I was with my sister Cristine as we waited for our mom to be
transferred from the ER to her room.”
Kasunod niyan ang isa pang litrato na makikitang nasa ospital room si Ara with her mom at ang sey niya, “I haven’t slept yet…”
Magugunitang si Cristine ang isa sa mga naging presenter sa MMFF awards night na naganap noong December 27 sa Paranaque City.
Kasama niyang nag-present sina Sue Ramirez at Yul Servo para sa “Best Actor in Supporting Role” award.
Bukod diyan, sina Cristine at Sue ay kabilang sa cast ng “The Kingdom,” ang isa sa mga official entry ng MMFF for this year.
Ang mga kasama nila sa pelikula ay sina Vic Sotto at Piolo Pascual na nominado sa pagka-Best Actor, habang si Sid Lucero ay na-nominate bilang Best Supporting Actor sa nasabing film festival.