KAGABI, December 28, lang ibinandera ni Butch Francisco, ang dating miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (2017), sa kanyang YouTube Channel ang rebyu niya sa pelikulang “Uninvited” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Ms. Vilma Santos.
Nakakaaliw ang pagkaka-kuwento ni Butch sa pelikula ni Ate Vi dahil sinabi niyang, “Hindi mo aakalain na sa edad na 71 ay kaya pang mag-aksyon ng lola ni Peanut (apo kina Luis Manzano at Jessy Mendiola).”
Kaya naman ang subscribers niyang nakapanood ng rebyu ay nagkaisa na may karapatan ang TV host dahil nga dating miyembro ito ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Isa-isa naming binasa ang mga komento sa thread ng YT ni Butch at marami ang nagtatanong kung bakit hindi nominado si Aga sa nakaraang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal.
Baka Bet Mo: MMFF Review: ‘Uninvited’ ibang level, walang tapon ang lahat ng eksena
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“The Manila International Film Festival (MIFF) this January remains part of the MMFF, and I hold on to the hope for Ate Vi’s redeeming glory. My support for Uninvited continues, no matter the competition or challenges ahead. Ate Vi’s exceptional talent and resilience can shine through in the upcoming award seasons.”
“Mr. Butch, sana po ituloy n’yo na ang pagre-review ng mga Filipino movies. Isa kayo sa mga trusted about film reviewing. Since wala nang magazine these days kung saan kayo may column noon na inaabangan namin, it’s about time na dito sa vlog nyo ituloy. Kung sinu-sinong walang karapatan ang mga nagre-review ngayon. At dahil iyan sa mga wala nang column at access ang mga film reviewers ngayon. We will support you.”
“I watched already the movie Uninvited. I do agree with your review. Being an URIAN member, I really TRUST your review. My question is why is it that the movie was not nominated in other technical categories most specially Mr. Aga Mulach?”
“Agree po. Even I myself rooted for it in many categories sa MMFF kasi kakaiba to start with. Bihira ang ganitong pelikula lalo na ang execution. Sayang. I hope this will do well sa mga award giving bodies next year! Congratulations UNINVITED! AGA MUHLACH deserves to be nominated and win for best actor!”
“I know MMFF will not give Best actress to Vilma 2 years in a row, but wow, this movie level up talaga.”
“Agree po. Grabe at galing ang acting ni Ate Vi. Best Actress for all seasons po talaga sya. Grabe at galing ng movie.”
“That’s why it’s still a mind buggling why it has not name as one of the BEST picture. Vilma is Vilma nothing can beat the great and versatility of Star for ALL There’s NO dull moments when you watch the effectiveness portrayal of Ms Vilma. You really carried away by her marvelous acting.”
“Agree po. Sad that ‘di nagustuhan ng jurors ang UNINVITED. I believe Vilma Santos should be the Best Actress.”
Baka Bet Mo: Christopher inisnab sa 1st MIFF sa pagka-best actor, producer umalma
“Aga Muhlach ang dapat best actor how come hindi sya nominated? Ibang klase na ang MIFF ngayon yong mahusay hindi napinapansin.”
“Yes i agree sa rate na binigay mo Sir Butch ang pogi mo pala in person.The disappointed di napasama si Aga Mulach at iDan Villegas d cla nominated all ganda ng Movie at Versatile tlaga si Ate Vi.
“Agree ang gagaling ng cast. Nakakapagtaka bakit hindi nominated si Aga Muhlach as best actor?”
“Napolitika talaga c Vilma at parang mga noranians yung mga judges, dapat c Vilma talaga nanalo, tnx Butch.”
At opinion ng isa sa subsribers ni Butch ay, “Hoping sana Uninvited will be the Philippines’ entry to Oscars next year 2025. Yes agree to your review of Uninvited”
“Ok, tama lang 4.5, acting wise mahusay cla talaga, anyway talo man, uulitin pa rin naming magkakaibigan na manood uli.”
“It’s unfortunate the MMFF 50 failed to recognize the excellent performances of the actors in the movie. Why Aga Mulach was not even nominated for Best Actor taints the integrity of the awards. He doesn’t have to emerge winner if ayaw nila sa kanya. But to not even be nominated? Why? MMFF’s spokesman has no explanation. I hope Uninvited shall be redeemed in due time by the other prestigious award giving bodies.”
“Butch, Who were the Jurors of MMFF ?? Absolutely curious who they were??? Napolitika ang buong Uninvited Team. Ang daming Duterte senators and mayors sa awards night. Ang sangsang ng amoy.”
“Dapat nanalo si Vilma or kahit tie man lng sila ni Juday. Naiinis ako bakit hindi sinama si aga sa best actor yun style o arte ni aga sa movie parng si John T, sa Face off, magaling si aga. Yan Uninvited na yan pwede patama ky pastor Q parng ganun.”
“Galing na yan sa isang film expert.”
“I just don’t understand why. Uninvited was never mentioned in most of the award categories..mukhang nalimutang panoorin ng mga hurado..o kaya naman wala sa criteria nila ang tema ng pelikula…di kaya.?..hmmm”
“Gaano ba kapangit yong film? Disappointing talaga. Anyways marami p nmng award giving bodies. Better still dalhin ni Dan Villegas.”
“Supporting. Ano nga pala konek ni Go, Tolentino at Binay. Buti pa kung c Vico at Grace. Buti nga inokray sila ni Vice sa award nya. Ang daming pangkonswelo bobo na mga award.”
“Vilma was robbed of the award sya dapat best actress pang Cannes at Oscars Berlin New York critics Venice film festival Ang level nya even Meryl streeps and Betty Davis and Frances McDermott could not surpass her acting nohhhh.”
Samantala, nadagdagan ng sinehan ang “Uninvited” tulad sa Ayala Malls 30th, SM North Edsa, Ortigas, Estancia, SM Light Mall, SM Muntinlupa, Robinsons Manila, Vista Cinemas Mall sa SM Lanang.