Ex ni Pokwang pinalayas si Mae nang malamang buntis, aktres umalma

Ex ni Pokwang pinalayas si Mae nang malamang buntis, aktres umalma

MATAPOS ang rebelasyon ni Pokwang hinggil sa pagkakaroon ng apo sa panganay na si Mae ay ang pasabog na sinubukang palayasin ng dati niyang partner ang anak.

Sa kanilang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” naging bukas ang aktres tungkol sa pagkakaroon ng apo sa panganay niyang anak.

Kuwento ni Pokwang, nalaman niyang buntis si Mae noong pandemya. Ito raw ay ang mga panahon kung kailan dapat ay lilipad ang anak pa-New York para magtrabaho ngunit hindi natuloy dahil sa COVID-19.

Aniya, hindi siya nakaramdam ng galit at hindi rin niya sinumbatan ang anak nang nalaman nito na buntis ito bagkus labis pa siyang natuwa.

Baka Bet Mo: Pokwang super proud lola, apo sa panganay 4 years old na

Ngunit sa kabila ng pagkagalak ni Pokwang ay ang hindi magandang reaksyon noon ng kanyang partner matapos malaman ang pagbubuntis ni Mae.

Walang binanggit na pangalan ang Kapuso star ngunit ang huling longtime relationship niya ay ang American actor na si Lee O’Brian na siya ring ama ng bunsong anak niyang si Malia.

“Noong nalaman ko na she’s pregnant, I am so so so happy. Hindi ako nagalit. Hindi ko siya sinumbatan. No. In fact, ‘yung isa pa nga ang gusto siyang palayasin,” kuwento ni Pokwang.

“Bakit mo palalayasin? Anak ko ‘yan. Pandemic, mas kailangan ako ng anak ko,” dagdag pa niya.

Chika naman ni Mae, nagulat siya nang sinabi ni Pokwang sa kanya na gusto siyanf umalis sa bahay ng dating karelasyon ng ina.

“Gusto akong palayasin ng ex niya sa house because I got pregnant without getting married. He wanted me out of the house, and I don’t know why,” sabi naman ng anak ni Pokwang.

Pagpapatuloy pa niya, “Tsaka between me and him, parang mas ako ‘yung may karapatan na nasa bahay, hindi siya kung tutuusin.”

Ang naturang pagpapalayas ng dating partner ni Pokwang kay Mae ay nito na lamang niya nalaman.

“Parang this year ko lang sinabi sa kanya,” sey ng aktres.

Dagdag naman ni Mae, “Siguro dahil para hindi ako magtanim ng sama ng loob towards him. So that time, pinoprotektahan pa rin ni Mama ‘yung ex niya para magkaroon kami nang maayos na relationship.”

Chika pa ng anak ni Pokwang, may plano naman sila ng ama ng kanyang anak na magpakasal ngunit sa ngayon ay priority nila ang anak na si Gabriel.

Read more...