Bongbong Marcos sa mga Pinoy: Tangkilikin ang kuwentong Pilipino

Bongbong Marcos sa mga Pinoy: Tangkilikin ang kuwentong Pilipino

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

HINIHIKAYAT ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na sana ay suportahan at tangkilikin ang mga pelikulang kalahik sa ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nitong Miyerkules, December 25, opisyal nang nagsimula ang pagpapalabas sa sinehan ng sampung MMFF entries.

Kasabay nito ay ang mensahe ni Pangulong Bongbong sa publiko na suportahan ang mga kwentong Pilipino.

“Ngayong Kapaskuhan bibidang muli ang kuwento ng ating lahi, dahil ito sa espesyal na selebrasyon na ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival na bahagi na ng ating buhay at kultura bilang Pilipino.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos nagsalita na sa isyu ni Alice Guo: May mananagot!

“Ngayong Kapaskuhan bibidang muli ang kuwento ng ating lahi, dahil ito sa espesyal na selebrasyon na ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival na bahagi na ng ating buhay at kultura bilang Pilipino,” saad ni Pangulong Bongbong.

Kumpara last year na walo lang ang kabilang sa mga entries, ngayong taon ay sampu ang bibidang pelikula sa mga sinehan.

Ito ay ang “And The Breadwinner Is”, “Espantaho”, “Green Bones”, “Isang Himala”, “Hold Me Close”, “My Future You”, “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital”, “The Kingdom”, “Topakk” at “Uninvited”.

Magaganap naman ang Gabi Ng Parangal 2024 sa Biyernes, December 27.

Read more...