Pinoy rock queens sanib-pwersa sa ‘TANAW: The Repeat’ concert sa Pebrero

Pinoy rock queens sanib-pwersa sa 'TANAW: The Repeat' concert sa Pebrero

Acel Bisa, Aia de Leon, Barbie Almalbis, Hannah Romawac, Kitchie Nadal, at Lougee Basabas

DAHIL sa insistent public demand, muling magsasama-sama ang mga reyna ng Pinoy rock sa isang espesyal na pagtatanghal!

Magsasanib-pwersa ang powerhouse na sina Acel Bisa, Aia de Leon, Barbie Almalbis, Hannah Romawac, Kitchie Nadal, at Lougee Basabas sa “TANAW: The Repeat” concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City sa February 9, 2025, 8 p.m.

Asahan na tatanghalin nila ang mga paborito nilang kanta, bagong awitin, at makabagbag-damdaming kolaborasyon.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: ‘Torete’ singer Acel itutuloy ba ang music career sa Netherlands?

May special guest din ang The Manila String Machine na magbibigay ng bagong tunog sa ilang awitin, kasama ang isang mini-orchestra.

Ayon sa isang pahayag, ang concert ay isang pasasalamat mula sa anim na iconic singers para sa kanilang fans na patuloy na sumusuporta sa kanilang musika. 

Sa kabila ng mga hamon at pagbabago sa kanilang mga personal na buhay at karera, nananatili silang haligi ng Original Pilipino Music (OPM).

Ito na ang ikatlong pagkakataon na magsasama-sama ang anim na solo artists matapos ang kanilang matagumpay na naunang reunion concert at thanksgiving show.

Ang presyo ng tickets ay mula P1,800 hanggang P6,300 na mabibili sa https://tanawtherepeat.helixpay.ph.

Read more...