ALL systems go na para sa inaabangang serye sa taong 2025 –ang “Incognito.”
Tampok sa upcoming series ang mga bigating pangalan sa showbiz industry, kabilang sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.
Mula sa ABS-CBN at Star Creatives, ang “Incognito” ay mula sa direksyon ni Lester Pimentel Ong at inaasahang magdadala ng kakaibang karanasan sa panonood.
Ito ay mapapanood simula sa January 17 sa Netflix kung saan mas nauuna ito ng tatlong araw sa premiere ng Kapamilya network.
Baka Bet Mo: Daniel gustong paandaran ang tatay: Malamang panis siya sa ‘kin!
Ang “Incognito” ay puno ng suspense, aksyon, at drama na tiyak na magugustuhan ng mga manonood.
Ang kwento nito ay iikot sa isang undercover cop na kailangang pasukin ang buhay ng isang ordinaryong babae upang alamin kung siya nga ba ang isang mapanganib na top criminal.
Sa kalaunan, natuklasan na hindi hustisya ang nagtutulak sa kanya kundi paghihiganti para sa isang nakaraan niyang trauma.
Habang lumalalim ang kwento, nalalagay sa peligro ang buhay ng lahat ng mga tauhan.