HOLIDAY season, pero durog ang puso ng celebrity doctor na si Vicki Belo.
Pumanaw kasi ang kanyang kaibigan at longtime makeup artist na si Marife Mordido.
Sa Instagram, ibinandera ni Dra. Vicki ang kanyang pagdadalamhati na kung saan nag-post siya ng compilation videos na tampok din ang maraming pictures nila together at may background music pa na “See you Again.”
“28 years of togetherness @mmordido,” bungad niya sa caption.
Mensahe pa niya, “My good vibes girl, my protector and one of my closest friends. I love you so much [dove, white heart emojis].”
Baka Bet Mo: Scarlet Snow malalim na ang hugot sa edad na 7: Love is a choice! No one ever forces you to love someone!
Sa comment section, ilan lamang sa mga nakiramay ay sina Anne Curtis, Tim Yap, Angeline Quinto, Karen Davila, at marami pang iba.
Nagkaroon din ng tribute post si Scarlet Snow, ang anak nina Dra. Vicki at Hayden Kho, kung saan makikita ang ilang pictures kasama ang kanyang Ate Marife mula noong baby pa siya hanggang sa present.
“One day I’ll see you again in heaven, ate @mmordido,” sey ni Scarlet.
Aniya pa, “Thank you for the taking good care of Mommy and me. I will miss you a lot. Please kiss Jesus for me.”
Bukod kay Dra, Vicki, si Marife ay celebrity makeup artist din nina Cristalle Belo, Christine Babao, Lani Misalucha, Iza Calzado, among many others.