Nakipagsabayan na ang mga scammer sa panibagong paraan para manlinlang ng mga Pilipino. Ang pinakabago: ang SMS Spoofing.
Ano ang SMS Spoofing?
Ang SMS spoofing ay isang scam kung saan nagpapadala ang mga kriminal ng text message na tila nagmula sa isang trusted sender o kumpanya.
Magpadala sila ng text message na may link para makuha ang iyong personal details gaya ng MPIN o OTP, na maaari nilang gamitin para makuha ang pera mo.
Telco 101: Paano natatanggap ang text?
Kapag ikaw ay tumawag o nagpadala o nakatanggap ng text, kumukunekta ang cellphone sa pinakamalapit na cell tower na may pinakamalakas na signal. Kapag ikaw ay lumipat ng lugar, kakabit din ang iyong cellphone sa ibang cell tower.
Paano nangyayari ang SMS Spoofing?
Gumagamit ang mga kriminal ng IMSI catcher para makakonekta sa iyong cellphone. Kapag nakuha na ng mga kriminal ang signal mula sa iyong cellphone, kaya na nilang magpadala ng pekeng text na may link mula sa kahit anong institusyon katulad ng GCash.
Kapag na-click na ang linkmapupunta ka sa pekeng website na nanghihingi ng personal mong impormasyon tuladng iyong MPIN at OTP
HUWAG I-CLICK ANG LINK!
Kaya kapag makakuha ng text with a link, Stop, Think, Don’t Click on Links! Hindi GCash ang nagpadala ng text na ‘yan!
Tandaan, hindi kailanman magpapadala ang lehitimong GCash ng link sa text, email, o kahit ano pang messaging app gaya ng Facebook Messenger.
Kapag nakaranas ng SMS spoofing scam o nakatanggap ng pekeng text o tawag na tumatarget sa iyong GCash account, agad na i-report ito sa GCash Help Center sa app o pumunta sa help.gcash.com, i-message si Gigi sa website at i-type ang “I want to report a scam”.
ADVT.
This article is brought to you by GCash.
Read more stories here:
Iwas-budol ngayong kapaskuhan: Paano maging protektado sa scam?
Jhaena Jewels host the first jewel party in the Philippines