Isko Moreno binigyang-pugay ang mga Barangay Public Servants sa Sampaloc

Isko Moreno binigyang-pugay ang mga Barangay Public Servants sa Sampaloc

SA isang masayang selebrasyon ng serbisyo at pasasalamat, ang mayoral candidate na si Isko Moreno ay nag-host ng Christmas party para sa 12 zones ng Sampaloc District na dinaluhan ng mahigit 1,400 barangay officials at staff.

Pinagsama-sama sa event ang mga barangay chairpersons, councilors, Sangguniang Kabataan chairpersons, barangay executive officers, at administrative staff upang ipagdiwang ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad ng Manila.

“Ay, ito po ay isang thanksgiving party para sa mga public servants sa barangay,” paliwanag ni Isko sa kanyang speech.

Aniya pa sa wikang Ingles, “Ito po ang paraan ko ng pagpapasalamat sa kanila. Pinili namin na gawin ito sa Christmas season, kasi panahon ito ng pagbibigay, pagmamahal, at syempre, pasasalamat.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda namigay ng P300,000 sa ‘Showtime’ staff: Sobrang mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to

Binanggit din ni Vice mayoral candidate Chi Atienza ang kahalagahan ng event, “Ito ay simbolo ng kung ano ang maaasahan nila sa hinaharap—na talagang aalagaan ni Yorme ang mga barangay, kasi sila ay bahagi ng inclusive governance dito sa Manila.”

Tinalakay ni Isko ang malaking papel na ginampanan ng mga barangay officials noong panahon ng pandemya kung saan binigyang-diin ang kanilang mahalagang suporta, lalo na sa mabilis na paghatid ng mga essential services tulad ng food boxes.

“Kailangan ng city government na maging efficient ang mga barangay sa paglilingkod sa mga residente ng Manila,” dagdag niya.

Nais din ni Isko na magkasama tayong magtagumpay sa bagong taon at sana’y magpatuloy ang kalusugan at tagumpay ng bawat isa.

Ang party na ito ay simula pa lang ng kanyang mga hakbang upang magpasalamat sa mga barangay.

Ibinahagi naman ni Sampaloc Sangguniang Kabataan member Sophia Reyes ang kanyang nararamdaman, “Ang saya po kasi alam mong si Isko ang namumuno, ang reassuring niya.”

Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), si Isko Moreno ay may 70% ng suporta, malayo sa mga kalaban na sina Sam Verzosa na may 17% at kasalukuyang mayor na si Honey Lacuna na may 11%.

Read more...