Louise Delos Reyes engaged na sa non-showbiz BF, todo flex sa ‘diamond’ ring

Louise Delos Reyes engaged na sa non-showbiz BF, todo flex sa ‘diamond’ ring

PHOTO: Instagram/@louise.dr

NEXT level na ang relationship status ni Louise Delos Reyes at non-showbiz partner niya na si Jino.

Dahil from magdyowa, sila ay engaged na!

Ang exciting news ay proud na ibinandera mismo ng aktres sa kanyang Instagram page.

Bukod sa simpleng selebrasyon, makikita rin sa mga litrato na todo flex si Louise sa engagement ring na may malaking diamond sa gitna.

“Yes,” caption niya, kalakip ang date kung kailan nag-propose sa kanya ang negosyante, “122124.”

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Louise delos Reyes sa relasyon nila noon ni Alden Richards: ‘Kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa’

Ang marriage proposal ni Jino ay ginanap sa isang hotel sa London, United Kingdom.

Napuno naman ng “congratulatory” messages ang post ni Louise at kabilang sa mga bumati sa couple ay ang fellow celebrities na sina Carla Abellana, Ryza Cenon, Janno Gibbs at ang dating co-stars niya sa “Tween Hearts” na sina Barbie Forteza at Bea Binene.

Kung matatandaan, nitong Hunyo lamang nang ipinagdiriwang nina Louise at Jino ang kanilang ika-6th anniversary.

Sa isang post, inilarawan ng aktres ang kanyang soon-to-be husband bilang kanyang “best friend, peace, heart, and home.”

“Thank you for being my rock and my wings, for never asking for anything in return, and for always putting me first,” aniya pa.

Read more...