‘Romina’ papalayo na ng bansa, Palawan uulanin dahil sa ‘trough’ ng bagyo

‘Romina’ palayo na sa bansa, Palawan uulanin dahil sa ‘trough’ ng bagyo

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

TILA dumaan lang saglit ang Bagyong Romina at patuloy na itong lumalayo ng ating bansa.

“Inaasahan natin na ito ay patungo na sa may bahagi ng Vietnam at wala nang magiging direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa,” sey ni PAGASA Weather Specialist Obet Badrina sa isang press briefing ngayong araw, December 23.

Huling namataan ang bagyo sa layong 165 kilometers kanluran ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.

Taglay nito ang lakas na hanging 55 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Baka Bet Mo: John Arcilla binantaan ng netizen dahil sa Probinsyano: Relax ka lang, chill-chill lang po

Kumikilos naman ito sa bilis na 10 kilometers per hour pa-northwest.

Gaya ng nabanggit, wala nang epekto sa ating bansa ang bagyo, pero asahan today ang kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan dahil sa “trough” o ekstensyon nito.

Dahil naman sa Shear Line, uulanin ang Visayas, Bicol Region, CALABARZON, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

May cloudy skies with rains naman sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Bulacan, at Nueva Ecija na dulot ng Northeast Monsoon o Amihan.

Mararanasan naman ang isolated rains sa natitirang lugar sa Luzon.

Gayundin ang epekto sa Mindanao, ngunit dahil naman sa localized thunderstorms.

Read more...