PROUD na ibinandera ng aktor na si Dominic Roque sa kauna-unahang pagkakataon na masaya at nasa dating stage sila ng aktres na si Sue Ramirez.
Nitong Biyernes, December 20, dumalo ang aktor sared-carpet premiere ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry na The Kingdom.
Ito ay bilang pagsuporta ni Dominic kay Sue na isa sa mga cast ng naturang MMFF 2024 entry.
Kasama niya ang matalik na kaibigan na si Marco Gumabao na siyang boyfriend naman ng isa rin sa mga cast na si Cristine Reyes,
Baka Bet Mo: Dominic Roque, Sue Ramirez matagal nang mag-on, binuking ni Ogie?
Dito ay nausisa nga sina Dominic at Marco sa dahilan kung bakit present ang dalawa sa naturang premiere.
“Hindi, plus one ko lang siya,” sagot ni sabay turo sa kaibigan.
Kaya naman natanong si Dominic patungkol sa real score nila ni Sue.
Natatawang sagot ng binata, “Happy… pinagpapawisan ako. Wala na akong ibang masabi, Merry Christmas na lang.”
“Dom, kayo na ba?” pahabol na tanong ni MJ Marfori.
“Wala, wala… We’re dating, we’re dating,” pag-amin ni Dominic.
“Happy naman kami together. We’re going out and, ayun, kinikilala namin ang isa’t isa,” pagpapatuloy pa niya.
Talaga namang walang malamig na Pasko para sa dalawa na umamin na sa publiko kung ano sila sa isa’t-isa.
Matatandaang nauna na noong aminin ni Sue kung ano ba ang relasyon niya ngayon kay Dominic.
“Basta I’m happy. We’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now,” amin ni Sue.
Nag-ugat ang chika tungkol sa dalawa matapos mag-viral ang video nila na naghahalikan sa isang bar sa Siargao.
Ilang beses rin silang namataang magkasama sa Siargao at lately lang ay namataan silang magka-holding hands habang tumatawid sa kalsada.