BINI Aiah Arceta ni-reveal ang tipo sa kanyang future partner

aiahBINI Aiah ibinandera ang tipo sa lalaki

IBINANDERA ni BINI Aiah Arceta ang mga katangian ng isang lalaki na nais niyang makita sa magiging future boyfriend o partner sa buhay.

Sa ginawa nitong Q & A session sa X (dating Twitter), natanong siya ng mga fans kung ano ang qualities na hanap niya sa magiging partner niya.

“‘Yong hindi lang mabait sa akin but in general mabait sya sa lahat kase yung puso nya ay totoong kabaitan lang yung laman,” sagot ni Aiah.

Dagdag pa niya, “Yung tipong mga bata, matanda, parents, aso, or sino man yan ay naturally nag ggravitate sa kanya kase ang calming at peaceful ng aura nya.”

Baka Bet Mo: Wish ni BINI Aiah kahit sikat na sikat na: Gusto ko pa ring maka-graduate

Ngunit as of now ay wala pa raw si BINI Aiah sa punto ng pagbo-boyfriend at nasa YOLO muna siya kung saan madalas ang pagso-solo travel.

Mas napagtanto rin niya na ok naman ang buhay kahit na mag-isa lang siya sa paggawa ng bagay na gusto niya.

Chika pa niya, wala siyang nakikitang problema at ready raw siya sakaling tumanda siyang mag-isa at walang katuwang sa buhay.

“I don’t feel lonely, instead I feel free just being in my own happy bubble. So finding a future partner doesn’t pressure me at all. If meron in the future, thank you Lord. If wala, thank you Lord din haha,” lahad ni Aiah.

Pagpapatuloy pa niya, “Basta sabi ko sa sarili ko na if I am gonna be with someone in the future, yun na yun. Hopefully someone who’s such a great person and can bring more peace to my life. It’s either that or I just stick to my own peace aka myself in which I am already happy haha.”

Priority rin ni Aiah sa ngayon ang kaniyang grupo at trabaho kaya dito makatuon ang kanyang buong atensyon.

Read more...