Nadia Montenegro gumaling sa sakit na Wolff-Parkinson-White Syndrome

Nadia Montenegro gumaling sa sakit na Wolff-Parkinson-White Syndrome

Nadia Montenegro

TEENAGER pa lang ay may heart condition na ang aktres na si Nadia Montenegro pero hindi raw niya ito pinagamot sa loob ng mahabang panahon.

Ibinahagi ni Nadia ang tungkol sa sakit niya sa puso sa guesting niya sa cooking-talk show na “Lutong Bahay” hosted by Kapuso actress Mikee Quintos kasama ang content creator na si Kuya Dudut.

Inalala ni Nadia ang naranasang health scare dahil sa sakit niya sa puso na nagsimula pa noong 17 years old pa lamang siya.

“This has been a disease that I’ve had since I was 17. ‘Yung WPW (Wolff-Parkinson-White Syndrome), hindi siya nakakamatay kaya never ko siyang pinagawa (pinagamot),” simulang pagbabahagi ng aktres.

Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa usaping kalusugan nang bigla siyang atakihin sa puso.

“Ang nangyari sa akin, noong nag-palpitate ako at inatake ako ng WPW ko, bumagsak ang blood pressure ko imbes na tumaas.

Baka Bet Mo: Nadia nakapag-sorry bago pumanaw si Boy Asistio: Pinanindigan ko siya!

“Noong wini-will in ako nang six nang umaga, nu’ng hindi ko pa nakakausap ang lahat, parang gusto kong mag-‘I love you’ sa lahat, gusto kong tawagan lahat.

“Ang dami mo pa palang biglang iisipin na gusto mong sabihin,” lahad ni Nadia.

“Ganoon pala ‘yung feeling na hindi ka sure kung makakalabas ka pa (nang buhay),” aniya pa.


Matapos daw siyang atakihin sa puso, napakarami raw nagbago sa mga paniniwala at pananaw niya sa buhay, lalo na sa pagmamahal sa kanyang pamilya at iba pang mahal sa buhay.

“I realized na, I cannot live without them. Super grateful ako ngayon,” sabi pa ni Nadia.

Nitong nagdaang November, idinetalye ni Nadia ang ginawang procedure sa kanya, “Ablation procedure po ang ginawa sa puso ko. I’m healing medyo bruised up lang po kasi ang ablation surgery po ay ginagawa po sa groin.”

Base sa isang health website, ang ablation ay medical procedure kunsaan gumagamit ng hot or cold energy para gumawa ng “tiny scars” sa heart tissue. Ang pagpepeklat mula rito ay tumutulong para pigilan ang pagprodyus ng “irregular rhythms” sa puso.

Pagpapatuloy ng aktres, “Bale apat po na catheter ang pinasok po sa aking right artery and then tatlo po ang pinasok naman sa aking left artery.

“Ang procedure po na ginawa ay hindi po stent, hindi rin po ako na-angioplasty, hindi rin po ako na-open heart surgery.

“Ito po ay isang procedure na ginagawa sa heart where in kina-clamp, kina-cut, or burn na tinatawag po nila ang isang parte ng aking nerve dahil po mayroon po akong sobrang nerve. So kinailangan pong i-cut yon,” aniya pa.

Pag-alala pa noon ni Nadia, “Noong last Friday po nagkaroon po ako ng WPW attack. I was diagnosed with a diseases when I was 17 years old and unfortunately noong ako po dapat ay sasali sa Celebrity Biggest Loser, ako po ay pinull-out dahil po sa sakit na ito.

“Pero ngayon po ako po ay wala nang WPW. Ito po kasing Wolff-Parkinson-White syndrome diseases ay umaatake po ang puso ko, umaabot po ng minsan 160 to 190 beats per minute,” aniya pa.

Read more...