AGAW-PANSIN sa ilang netizens ang tila pa-cryptic post ni Jam Villanueva sa social media.
Ito ay isang linggo matapos ang hiwalay na official statement ng on-screen partners na sina Maris Racal at Anthony Jennings kaugnay sa viral screenshots nila.
Sa TikTok, ni-repost ni Jam ang isang video na ibinandera ng username na @gmindset.
Mapapanood sa video na ang nagsasalita ay ang motivational speaker na si Jay Shetty na nagbibigay ng reminder tungkol sa pagpapatawad sa sarili.
Baka Bet Mo: Tita ni Anthony Jennings sa pasabog ni Jam Villanueva: Laban lang!
“Forgive yourself for letting someone make you feel like you were easy to let go. Forgive yourself for making them number one when you were just a second thought. Forgive yourself for letting them heal when all they did was hurt you,” saad ni Jay.
Patuloy pa niya, “Forgive yourself for giving them your best when all they gave you was their worst because your heart is pure. And even though you don’t have them, you’ll always have that.”
@gmindset.official Forgive yourself… 🗣️: @Jay Shetty #motivation #mindset #inspiration #positivity #selfimprovement ♬ Originalton – gmindset
Until now ay wala pang reaksyon si Jam sa mga naging pahayag nina Maris at Anthony.
Maaalalang naging laman ng mga balita ang dating girlfriend ng aktor matapos niyang isiwalat sa publiko ang ilang screenshots ng magka-love team na tila may “something” sa dalawa habang magkarelasyon pa sina Jam at Anthony.
Ayon kay Jam, ginawa niya ‘yun para protektahan ang kanyang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mga bashers at haters.
“It’s painful to be attacked by others when all I ever wanted was to protect my personal life — and protect [Anthony] out of respect,” sey niya nang ibinandera ang mga naturang viral screenshots.
Chika pa ni Jam, “When Maris came into the picture, I was genuinely happy for you both, I even chose to be supportive, despite the red flags I couldn’t ignore…I respected your craft. I believed in you both. But betrayal like this cuts deep.”
Matatandaang noong December 6, binasag na nina Maris at Anthony ang kanilang katahimikan tungkol sa “cheating issue” na kanilang kinasasangkutan.
Inamin ni Maris na naging mahina siya ‘nung mga panahon na nagkakamabutihan sila ni Anthony, pero nilinaw niya na hindi siya aware na magdyowa pa rin ang aktor at si Jam.
Ilang beses na raw kasi siyang nagtanong kay Anthony kung nagkabalikan sila ni Jam bilang nauna nang sinabi ng aktor na wala na sila ng girlfriend.
Si Anthony naman ay todo sorry sa dalawang babae at inako ang kanyang pagkakamali.
Kung maaalala, sina Jam at Anthony ay pitong taong naging magdyowa bago maghiwalay nitong taon.