Naganap ang pinakaaabangang kasalan nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap) sa Be Careful With My Heart kahapon sa Basilica de San Martin de Tours sa Taal, Batangas.
Suot ni Jodi ang wedding gown na gawa ni Avel Bacudio. Talagang wala na kaming masabi sa kasalan dalawa, para talagang totoong wedding ang napanood ng buong bayan.
Isa sa mga pinag-usapang eksena ay ang pag-iyak ni Richard habang ginaganap ang kasal. Narito ang ilang bahagi ng wedding vow ni Sir Chief para kay Maya, “I vow to love you forever…to fulfill your dreams as you have fulfilled mine, to never give you any reason to doubt…
To apologize if I make a mistake and to apologize even if I don’t make a mistake. “But most of all, to constantly remind you that is not I who is the miracle in this relationship but it is YOU.
Because you turned my whole world around. And I will be forever grateful to you: my miracle…I will love you until death do us part.”
Sey naman ni Maya, “Richard, pinapangako ko sa ‘yo na simula sa araw na ito, hindi mo na mararamdaman na mag-isa o malungkot ka. Patatawamin kita kahit na ‘tiger mode’ ka pa.
“Pinapangako ko rin na araw-araw kitang ipagtitimpla ng masarap na kape kahit na magtampuhan tayo, hinding-hindi magbabago ang lasa nu’n.
“Hindi kita iiwan mag-isa…hanggang sa pagtanda natin at hanggang sa huli nating hininga. Mahal kita.”