Kulang ang pension

DEAR Aksyon Line:

Magandang araw po sa Aksyon Line. Sumulat po ako sa inyo dahil may gusto po akong itanong sa SSS.

Nagpadala po ng voucher ang SSS at ang nakalagay po ay P3,272.00 ang pension na dapat makuha ng tatay ko na si Ernesto Velasco na may SSS no. 03-3190944-3.

Pero noon po na mag-withdraw kami noong unang beses, ang pension noong Oct 16,2013 ay P 2,000 lamang ang nakuha namin.

Bakit po kaya ganon? Pwede po bang maisama ang kulang ngayong Nobyembre 16, 2013.

At gusto rin po namin malaman ang status ng pension ng tatay ko.

Maraming salamat po.

Clara Velasco

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Clara Velasco ukol sa pension ng kanyang ama.

Ayon kay Ms. Clara, P2000 lamang ang nakuha nilang pension ng kanyang ama samantalang ang dapat niyang makuha ay P3,272 kada buwan.

Ayon po sa aming verification, nagdeposito ang SSS ng P3,272 para sa pension ni Ernesto Velasco sa buwan ng October, 2013.

Pinapayuhan namin si Mr. Ernesto Velasco na makipag-ugnayan sa kanyang banko at humingi ng statement of account. Sa dokumentong ito ay makikita niya ang mga halagang idineposito ng SSS at ang mga halagang na-withdraw na niya.

Maaari kayong sumulat muli sa amin kung base sa statement of account na ibibigay ng kanyang banko ay hindi P3,272 ang lumalabas na deposit ng SSS para ito po ay aming ma-verify muli para sa inyo.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang in-yong katanungan. Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...